I shivered in fear. Maraming naglalaro sa isipan ko na nakakatakot isipin.
“Nagawa mo na ba ang ipinagagawa ko? Nadispatsa mo na ba si Alessandro at si Veronnie? Siguraduhin mong nadispatsa mo sila para wala nang sagabal sa plano natin. Mga traydor silang dalawa. Tanging si Veronica at Lanz na lang ang ating dispatsahin.”
Dispatsahin si Lolo Alessandro at si Daddy? Paano nasikmurahang gawin ni Lolo Oliver iyon? Pagkatapos nang lahat gano’n lang ang gagawin ni Lolo Oliver? Tinulungan siya ni Lolo Alessandro at ni Daddy tapos papatayin niya lang? Napakasama niya!
“Oo, ama. Nagawa ko na ang ipinagawa mo. Maraming salamat sa pagtiwala ulit sa akin.”
“Good, ang kapatid ni Lanz? Nalaman mo ba kung sino ang nagpatakas sa kanya?”
“Oo, si Veronica ang nagpatakas sa kanya, ama. Pero, sigurado akong hindi makaabot ng buhay si Farah sa kanyang kapatid.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko ang aking mga narinig. Si Farah. Anong ginawa ni Davin sa kanya? Siya ang nagpatakas no’n at hindi ako. Pinagbibintangan niya ako. Napakasama ni Davin. Hindi ako makapaniwalang magawa niya ito. Kasama pa ba ito sa plano nila ng mga Alpha? Naguguluhan ako.
Nanginginig ang panga at kamay ko sa galit. Mabagal na rin ang paghinga ko sa sobrang pagtitimpi. Dahil sa galit nagpakita ako sa dalawang nag-uusap. Nakakuyom ang aking kamao at ngitngit ang aking ngipin na sinugod sila. Nagpakawala ako ng scented powder sa hangin–para mahilo sila sa amoy at para hindi sila makapagbago ng anyo. It’s a scented powder with high toxic aroma. Kung sino man ang makaamoy nito ay mahihilo at kung mahina kang tao, ikaw ay mahihimatay. Hindi lang pang-amoy ang maapektuhan, mas lalong maapektuhan ang mata dahil makaramdam iyon ng pait at hapdi.
Hindi ako maapektuhan sa scented powder dahil na immune na ako rito. Puno ng puting alikabok ang silid dahil sa ginawa ko. Nakita kong hirap na hirap sila sa paghinga.
“Damn it! V-Veronica?!” narinig kong sigaw ni Lolo Oliver. Pilit na binuksan ang kanyang mga mata.
Napahawak sila sa kanilang ulo at ilong. Umubo nang umubo silang dalawa. Kinuha ko ang pagkakataon para sila ay patumbahin.
“Mga hayop kayo! Pagbayaran niyo ang mga kasalanang ginawa niyo!” galit na sigaw ko. Ngitngit ang ngipin na ako’y sumugod sa kanila. Inuna ko si Lolo Oliver.
Gamit ang lakas at bilis ng isang wolf, nagpakawala ako ng isang suntok na saktong tumama sa maselang parte ni Lolo Oliver. Tumalsik siya sa dingding na hawak-hawak ang sinutok kong parte ng katawan niya. Pasalamat siya dahil nakababa na kami sa mahabang hagdan.
“O-Ouch!” Halatang nasasaktan dahil hindi pa rin ito makatayo. Kulang pa iyan, Lolo.
Sinod kong sinugod ay si Davin. Ang mga suntok at sipa ko ay naiwasan niya. Malakas at magaling sa pakikipaglaban ang Beta. Hindi rin siya umatake sa akin tanging pag-iwas lang sa atake ko ang kanyang ginawa. Sanay na sanay sa labanan pero ang isang sipa ko ay hindi niya naiwasan. Muntik na siyang matumba pero dahil sanay siya sa pakikipaglaban, nagawa niyang ayusin ang kanyang postura.
“Bakit mo iniiwasan lahat ng atake ko Davin?! Bakit hindi mo ako nilabanan?! Umatake kang hayop ka!” gigil na gigil na sigaw ko.
Binuhos ko sa isang suntok ang lakas ko. Natamaan ko ang kanyang panga. Napangiwi ang kanyang mukha na umatras sa akin. Ang aking paghinga ay sobrang bilis na. Nakaramdam na ako ng pagod pero umatake pa rin ako nang umatake. Umatras lang siya at iniiwasan lahat ng atake ko.
Nakita kong dumugo ang kanyang bibig, gano’n din ang aking kamao. Mahapdi na rin ito tuwing ikumpas ko ang aking kamay sa hangin para suntukin siya.
“Anong ginawa mo sa Lolo at Ama ko? Napakasama niyo, Davin!” Isang sipa ang pinakawalan ko dahil sa sobrang galit. Sa palagay ko hindi na huhupa ang aking galit sa kanila.
Tumalsik siya sa dingding dahil nasipa ko ang kanyang sikmura. Nanggigil ako lalo dahil hindi siya lumaban sa akin. Hinayaan niya lang ako sa aking ginawa. Bakit gano’n? ‘Di ba dapat labanan niya ako?
“Fight that wrench wolf-witch, Davin!” sigaw ni Lolo Oliver, umubo siya pagkatapos sumigaw. Naapektuhan pa rin ang kanyang ilong at baga dahil sa scented powder.
Nang marinig niya ang sinabi ni Lolo Oliver. Nagawa niyang i-endure ang scented powder na pinakawalan ko dahil nagbago siya ng anyo. He changed. He became a wolf–a huge brown fur werewolf. Sumagi agad sa isip ko ang video na pinakita sa akin ni Lolo Oliver noong kaarawan niya, siya ang kalaban ni Lanz na nasa video. I’m freaking dumb!
Lanz already knows it, doesn’t he?
Dahil daming bumabagabag sa isipan ko. Hindi ako nakaiwas sa atake ni Davin. Nagawa niya akong sakmalin gamit ng kanyang pangil at kukong matutulis. Kinagat niya ako sa braso at malakas na iwinasiwas sa isang tabi. Napaaray ako nang tumama sa matigas na bagay ang katawan ko. Nanghihina ako.
Napahawak ako sa ulo ko na tumama sa matigas na bagay. Nanghihina ako nang makita ko ang dugo na nasa palad ko. Hindi ko rin kaya ang sakit at hapdi ng sugat dulot ng pagkagat ni Davin. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Ang bigat na rin ng mata ko na gusto nang pumikit.
Mamatay na ba ako? No!
Kahit nanlabo ang mga mata ko. Nakita kong lumapit sa akin sa Davin. He’s still in his wolf form. His eye was full of guilt while looking at me. Halatang naawa sa akin. W-Why your eyes have fangs of guilt, Davin? ‘Di ba ito ang gusto niyo? Ang papatayin kaming lahat? Gusto kong itanong pero iba ang lumabas sa bibig ko.
“W-Why, D-Davin? P-Please… t-tell me… t-that y-you’re not a t-traitor. A-All of this i-is a p-plan r-right?” nanghihinang sambit ko. “I… I know, y-you’re a good man, D-Davin. D-Don’t let the e-evil person control y-you. I k-know y-you have a g-good h-heart.”
Umiling-iling ang asong lobo na nasa harap ko. Pero nakita ko sa kanyang mga mata ang awa, takot, at galit.
“Davin, ikaw na ang bahala sa wolf-witch na iyan. I already changed my mind. Si Lanz na lang ang pasalakayin mo rito. Ipadala mo ang mensahe kay Lanz na papatayin natin ang kanyang kabiyak kung hindi siya sasalakay.”
“N-No, D-D–a–” Naputol ang salita ko dahil kinagat na ako ni Davin sa kabila kong braso.
Wala na akong lakas para siya ay pigilan. Naubos na ang lakas ko kanina pa. Sobra nang nanghina ang aking katawan.
I felt his fangs reached my flesh. I can’t fight the pain anymore. I can’t help but close my eyes. I felt my tears rolling down my cheeks.
“P-Please, d-don’t let the evil win the war,” I muttered, and the darkness reign.
* * *
ESTÁS LEYENDO
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Hombres Lobo[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Nine
Comenzar desde el principio
