The bloody full moon gave me fear in my whole system. The bloody full moon represents the war of the Blood Moon Pack. Ibig sabihin may basbas galing sa Dyosa ng Buwan ang digmaang maganap. Natatakot ako sa mangyari.
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng ingay na para bang mabilis ang paghakbang sa sahig. Thanks to my wolf ability–sensitive to hearing.
I can’t shapeshift because I’m just a half-wolf. However, I got the wolf's unnatural strength, endurance, speed, agility, healing, and night vision. Mas lumamang nga lang ang pagiging witch sa aking pagkatao.
Lumapit ako sa pintuan, inilapit ko ang aking tainga doon para mapakinggan ko ng maayos kung saan papunta ang yabag ng mga paa. Naramdaman kong dalawang tao ang naglalakad sa hallway at papunta ang yabag sa kwarto ni Lolo Oliver.
Nang makarinig ako nang kalabog na sinira na ang pinto. Agad akong kinuha ang maliit na pouch na nilalagyan ko ng mga importanteng gamit ng isang witch. Kinuha ko ang invisibility potion. Isang patak ng potion ang tinikman ko.
“Potio invisibility,” I cast a spell. I’m now fully invisible. No one can see me but it has limitations. Kinse minute ay mawawala na ang bisa ng potion at ang spell. I explored and explored making potion and invisibility potion is the best potion I discovered.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at agad akong pumasok sa kwarto ni Lolo Oliver para sundan ang yabag. Swerte ko lang dahil hindi naka-lock ang pinto. Tagumpay akong nakapasok sa loob. Nakita ko silang bumaba na sa hagdan papuntang sekretong lugar–sa underground.
Hindi ko naaninagan kung sino ang naunang lumakad dahil si Lolo Oliver ang nadatnan kong na pababa pa lang ng hagdan. Bago pa sumara ang daan, agad akong sumunod. Sakto rin ang dating ko dahil agad na sumara ang daan.
Tahimik nilang binaybay ang hagdan pababa. Tahimik din akong sumunod sa kanila. Napatakip ako sa aking bibig nang matamaan sa sinag ng apoy na ilaw ang mukha na nasa unahan ni Lolo Oliver. It’s Davin. Why he is here? Ngayon mukhang nakumpirma ko na ang pagdududa ko. He is a traitor, nagbabalat kayo lang na tumulong sa mga McMahon. Nadali niya ang mga Alpha ng Lebanese Mountain at lalong lalo na si Farah.
Napahawak ako sa aking puso na dumadagundong sa pagtibok. Halos hindi ko na marinig ang kanilang pinag-uusapan dahil kaba ang nanaig sa buo kong sistema. Napalunok ako nang maraming beses para pakalmahin ang sarili. Nang nakalma ko na ang aking sarili doon ko na narinig ang kanilang pinag-uusapan.
“Did you know that the Bloody Full Moon represents a war of Blood Moon pack?” tanong ni Davin habang pababa ng hagdan.
‘Di ba dapat nasa pack siya kasama si Lanz kung may digmaan? Bakit nandito siya?
“I know that my dearest son. Nakahanda na ang lahat para sumalakay tayo sa teritoryo ni Lanz. Sigurado akong manalo tayo. Nasa atin ang kanyang kabiyak kaya nanghihina siya kung wala si Veronica sa tabi niya.” Nagpakawala si Lolo Oliver nang halakhak.
M-My dearest son? Sasalakay sila ngayon sa teritoryo ni Lanz? Nanghihina si Lanz kapag wala ako?
Nanlaki ang mata ko at napasinghap sa mga narinig. Mahigpit ang pagkahawak ko sa damit na nasa harap ng aking dibdib. Naiinis ako sa narinig. Naiinis ako sa aking sarili dahil kaba pa rin ang nanaig sa puso ko. Pilit akong umiling-iling.
Hindi totoo ang aking narinig. Hindi maari. Isang McMahon si Davin? Anak ni Lolo Oliver si Davin? Totoo ba itong naririnig ko? Sh*t! This is bad. Hindi… walang anak si Lolo Oliver na nakilala ko. Pero, nagawa niya ngang ilihim kay Daddy na hindi siya ang tunay na ama nito. Umiling-iling ako sa sobrang gulo ng utak ko.
Si Lanz, nanghihina kapag wala ako? Oo nga pala, hindi pa pala naputol ang aming koneksyon. We are still mated. Alam ko ‘yon na kung wala ang kabiyak nito na namarkahan niya, hindi siya buo. I’m his strength and I’m his weakness.
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Nine
Start from the beginning
