Naningkit ang mga mata kong nakatitig sa kanila. Pinagplanuhan nila? Alam kong masakit para sa akin iyon. Dahil pala sa kanila kaya nagalit si Lanz sa akin at walang kaalama-alam si Lanz. ‘Di ba dapat hindi nila pangungunahan si Lanz? Anong klaseng mga kaibigan ang mga ito?
Hindi ako makapagsalita. Oo, may advantage pero disadvantage naman iyon para sa aming dalawa ni Lanz. Nagtagumpay sila sa plano nila pero sakit naman ang dulot sa aming dalawa ni Lanz–lalong lalo na sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila.
“At ngayong araw itakas ni Davin si Farah sa mansion niyo dahil ito ay utos ni Lanz. Pero dahil sa sinabi mong traydor si Davin at ang ginawa mong pag-torture kay Farah ay isang plano ni Davin, sigurado akong hindi na pagkakatiwalaan ni Lanz ang kanyang Beta.” Alpha Kee said and let out a single sigh.
“Siguradong-sigurado rin ako na pupuntahan ni Lanz si Davin sa mansion niyo ngayon. Isipin mo kung ano ang mangyari. Maitakas ba ni Davin si Farah? O mas maaga ang maging digmaan?”
Napatakip ako sa aking bibig na binaling ang tingin sa unahan. Hindi ko kayang tingnan ang mga Alpha na nasa likuran ko. Kasalanan ko kung gano’n? Hindi ko alam.
Umiling-iling ako at hindi makapaniwala sa sinabi nila. Ikatakas ni Davin si Farah? Alam na alam nga ni Davin kung nasaan si Farah. Paano niya nalaman iyon? Nasa underground si Farah nakakulong–sa silid ni Lolo Oliver ang daan para makapasok doon. Naguguluhan ako.
Hindi ako tutol sa pagtakas nila kay Farah. Pero, kinakabahan ako. Paano kung maabutan si Davin ni Lolo Oliver? At si Lanz. Oh, no. Sh*t! It’s my entire fault.
Hindi pa rin maalis ang takip sa aking bibig. Hindi ako nagsalita dahil nanghihina ako sa sinabi nila. Ang mabilis na pagtibok ng aking puso lang ang tangi kong narinig.
“The diary you left–Lanz opened it and read all the notes. He already saw the pictures. You distracted his mind, Veronica.”
Alam kong boses ni Twight ang nagsalita. Napahilamos ako sa sobrang pag-digest sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa loob ba sila ng bahay ni Lanz kanina? At, kung pupunta si Lanz sa mansion namin. Saan siya dumaan?
Mahinang binagsak ko ang aking ulo sa manibela nang maalala ko na may daan sa likod ng kanilang mansion. Oh, sh*t! Sa shortcut na daan sa likod ng mansion siya dumaan.
“Veronica, narinig namin lahat ng sinabi mo kanina dahil nasa loob kami ng mansion ni Lanz. Hindi namin siya mapigilan. At sa ginawa mo a–”
“Don’t blame her, bro. She didn’t know. Biktima lang siya at ang pamilya nila,” putol ni Twig sa salita ni Kee.
“I’m sorry, Veronica,” agad na paumanhin ni Kee.
Hindi ako kumibo. Hindi ako umimik. Hindi ko sinasadya na sirain ang plano nila. Hindi ko alam.
“Kung magtagumpay man si Davin o hindi. May magaganap pa ring digmaan sa darating na kabilugan ng buwan kaya ihanda mo ang iyong sarili.”
Pasalamat na lang ako dahil naitakas na si Farah. Wala nang gagamitin na pain si Lolo Oliver para kay Lanz. Hindi niya na rin ako magamit dahil wala na akong silbi kay Lanz. Galit si Lanz sa akin.
* * *
KABILUGAN ng buwan ngayon. Ang kinakatakutan kong digmaan. Hindi talaga ako mapakali sa loob ng aking kwarto dahil naalala ko naman ang mga sinabi ng iba’t ibang Alpha ng Lebanese Mountain. Ang daming bumabagabag sa aking isipan.
Binagsak ko ang aking katawan sa kama. Nakatuon ang mga mata ko sa buwang kulay dugo. Bukas ang malaking crystal na bintana sa aking kwarto kaya kitang-kita ang kaubuan ng kulay dugong buwan kahit ako’y nakahiga sa kama. Hinayaan kong makapasok ang sinag ng buwan sa loob ng aking kwarto. Hinayaan ko rin itong tumama sa balat ko ang sinag na kulay dugo. Kay gandang tingnan pero nakakaba.
ANDA SEDANG MEMBACA
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Serigala Jadian[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Nine
Mula dari awal
