Chapter Twenty-Nine

Start from the beginning
                                        

“I’m sorry. Nakakatawa kasi kayong magbangayan sa mga walang kwentang bagay.” I let out a laugh again.

Tumikhim silang tatlo kaya tumigil na lang ako sa pagtawa. Siguro natamaan ko ang ego nila. Sorry na lang sila dahil ginulo nila ang drama ko. Inayos ko na lang din ang sarili ko.

“Ano ba ang sasabihin niyo sa akin, bakit pinag-aksayahan niyo nang panahon? Importante ba iyon?” seryosong tanong ko.

“Som–”

“Ano kas–”

“Ayaw kong masayang ang oras kaya ako na ang magsalita, okay?” Pinigilan ni Kee gamit ang kanyang kamay ang bibig ng dalawa. Napagitnaan kasi ng dalawa si Kee kay easy lang takpan ang kanilang bibig. Inis naman ang ipinukol nila kay Kee.

Si Kee kasi ang may katinuan sa kanilang tatlo dahil siguro may asawa’t anak na siya. Tama siya, masayang lang talaga ang oras kung ang dalawa ang magsalita. Na-notice ko rin na parang ilap sila kay Kee at sumunod na lang agad ang dalawa kay Kee.

“Go, on… I don’t want to waste my time either,” seryosong wika ko. Nakatuon lang din ang mata ko kay Kee.

Binitiwan na ni Kee ang bibig ng dalawa. Napakamot sa ulo ang dalawa na tumingin sa akin bago binaling ang tingin sa labas.

Tumikhim siya at nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.

“Veronica, hindi mo dapat sinabi kay Lanz na traydor si Davin.”

Napukaw naman ang sistema ko at agad na umarko ang aking kilay.

“Why? He is a traitor. Alam kong nakikipagtrabaho siya kay Lolo Oliver at niloko niya ako,” inis na paglalaban ko.

Binalik ko ang tingin sa harapan dahil naiinis ako. Si Davin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Alam kong masamang sisihin ang ibang tao pero hindi ko mapigilan.

Paano niya nalaman ang mga pasikot-sikot ng mansion kung hindi siya traydor? Hindi ko nga alam ang mga nakatagong sekreto sa mansion na matagal na akong nakatira doon pero siya alam na alam niya na para bang sanay siyang pumasok sa loob ng mansion.

“You don’t understand, Veronica. Si Davin ay ang tangi niyang hangad ay tulungan at maprotektahan ang magkapatid. Hindi siya traydor,” seryosong wika ni Kee, hindi man lang siya kumurap kahit isang beses.

Natawa ako ng mapakla na tumingin sa rear-view mirror na kung saan makita ang tatlong Alpha na nakaupo sa backseat. Kahit sila hindi ako paniwalaan na traydor si Davin.

‘Hindi siya traydor? Ano siya kung gano’n? Bakit alam niya ang pasikot-sikot ng mansion? Bakit? Bakit pinalabas niya akong masama?’ Gusto kong itanong iyon pero tikom pa rin ang bibig ko.

“You messed up our plan, Veronica,” singit ni Twight.

Anong plano? Napalunok ako at agad na lumingon sa kanila. Kaba ang umusbong sa puso ko. Sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso. Hindi normal.

“W-What? I don’t understand. C-Can you enlighten me?” naguguluhang tanong ko.

“Sekretong humingi ng tulong si Davin sa amin. Ang nangyari sa iyo ay plano namin iyon. Plano naming palabasin ka na masama at paghiwalayin muna kayo ni Lanz dahil alam naming gagamitin ka laban kay Lanz kaya pinalabas na ni Davin na nakipagkampi ka kay Oliver.” Si Solitaire na ang nagsasalita.

“Walang alam si Lanz sa aming plano na paghiwalayin muna kayo. Kami lang ang nakakaalam dahil kung ipaalam namin sa kanya ang ganyang plano, sigurado kaming hindi siya papayag,” dagdag pa ni Solitaire.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now