Chapter Twenty-Nine

Start from the beginning
                                        

“It’s okay, we understand. By the way… I’m Kee Zekiel Fortez, Alpha of the White Moon Pack in the South part of Lebanese Mountain. I have a wife and a child already,” pormal na pakilala niya. Hindi na siya nakipagkamay. Tango lang ang binigay niya sa akin. Ganoon na lang din ang ginawa ko.

Nakakagulat dahil may asawa’t anak na pala siya. Hindi halata sa hitsura niya. Kunsabagay hindi naman basehan ang hitsura kung may asawa’t anak na.

Nagtaka naman ako dahil hindi umagaw sa eksena ang dalawa. Nagkatinginan lang ang dalawa sa labas ng bintana.

“I guess, kilala niyo na ako bilang mate ni Lanz. Do I need to introduce my name?” I asked.

“No need, we already know you.” Si Twight ang nagsalita. Tumango-tango ako sa kanila.

Oo nga pala, laganap sa Lebanese Mountain na medyo okay na si Lanz dahil natagpuan nito ang kanyang mate na kaya siyang pakalmahin pero ngayon hindi ko siya kayang paamuhin. Galit siya sa akin.

Binalik ko ang tingin sa unahan dahil masakit na leeg ko sa paglingon sa kanila, dumagdag pa ang sakit sa dibdib na para bang hinay-hinay na hiniwa ng matalim na kutsilyo. Nakayukong sinandal ko ang aking ulo sa manibela. Kinalma ko muna ang sarili dahil baka mamaya tumulo naman ang luha ko. Maraming beses akong bumuga ng hangin.

Nakakapagtaka lang, bakit nandito ang mga Alpha ng iba’t ibang parte ng Bundok ng Lebanese? Ano ang pakay nila sa akin? Nasa loob naman ng bahay ang kanilang kaibigan, bakit nandito sila?

Ang Betang si Davin, nasaan na ang isang iyon? Nasa mansion kaya namin ang isang iyon o na sa pack house ng Blood Moon Pack?

Kinabahan ako dahil wala akong ideya kung nasaan na si Davin at kung ano ang susunod nitong hakbang.

“Hoy, Twight, nasabi mo na ba ang sasabihin natin?” pag-iba ni Solitaire sa usapan.

Anong sasabihin nila sa akin? Agad akong napalingon sa kanila na puno ng pagtataka. Kinakabahan ako kanina pa sa presensya nila.

“Not yet, because you two came. You disturb me, mga hangal,” inis na tugon ni Twig. Kung babae lang ito siguro umikot na ang kanyang mga mata sa inis.

“Mas hangal ka! Huwag mo kaming idaan sa English mo,” asik ni Solitaire. Kahit kailan ang ingay ng lalaking ito. Hindi nagpapatalo kay Twight. Ganito ba talaga magsama ang mga Alpha?

“Hep! Hep! Tama na nga ‘yan. Ang tanda niyo na pero ang babata pa ng isip niyo. Tumigil na nga kayong dalawa,” saway ni Kee sa dalawa. Natahimik naman ang dalawa, nakasimangot silang tumingin sa labas.

“Siya raw hindi matanda. Ano ka exempted?” taas-kilay na baling ni Solitaire kay Kee.

“I am proud of it but I am mature. Hindi na ako isip bata tulad niyo, ‘di na ako nakipagbangayan tulad niyo.” Tinuro niya pa ang dalawang nakasimangot na parang mga bata na inagawan ng laruan.

“Bakit pinatulan mo kami kung matured ka na?” laban ni Solitaire. Hindi niya pa rin tinantanan si Kee.

“Shut up, Solitaryo! Don’t fight with him. Wala kang laban, and your words don’t have a sense.” Sumali sa usapan si Twight kaya doon naman nabaling ang tingin ni Solitaire.

“Fvck you, English boy! Mabuti naman may halong tagalog na ‘yang salita mo,” asar na wika ni Solitaire.

Natawa ako dahil palagi na lang siyang sinusupalpal ni Twight. Nabaling ang tingin nila sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa. Kahit papaano nawala ang lungkot ko. I enjoyed their conversation.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now