Chapter Twenty-Nine

Bắt đầu từ đầu
                                        

Kaya pala familiar ang mukha niya dahil nadatnan ko siya sa opisina ni Lanz noon may kasama pa siyang iba. Siguro Alpha rin ng ibang pack. Ang nakilala ko lang kasi ay pilyong Alpha ng Red Moon Pack na si Solitaire.

“I’m Twight Zake Manuzt, Alpha of Yellow Moon Pack at the West side of Lebanese Moun–”

Naputol ang pagsalita niya nang may kumatok sa pinto ng sasakyan ko. Nabaling ang tingin namin doon. Kahit nasa loob kami ng kotse nakita namin si Solitaire na nagmamadali at may isa siyang kasama na familiar din sa akin ang mukha.

Si Twight na ang bumukas ng pinto sa kanila. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa kanila. Bakit nandito sila ngayon sa kotse ko?

“Tagal mo namang magbukas, Twig,” reklamo ni Solitaire nang makapasok sila sa loob. Ang isa ay walang imik itong nakatingin sa akin.

“Fvck you, Solitaryo! Why you didn’t open the door by yourself?” asik ni Twight sa kanya.

“Huwag mo nga akong idaan-daan sa English mo. Naintindihan kita. Ulol!” inis na wika ni Solitaire.

Kahit papaano, nabaling ang atensyon ko sa kanila. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko. Kung hindi ako malungkot siguro tinawanan ko ng malakas ang dalawang nagbabangayan sa harap ko.

Nasa backseat kasi sila at nagtutulakan pa ng pwesto. Nakatingin naman ako doon sa kanila kahit nasa driver’s seat ako.

“Oh, c’mon guys… Lanz’s mate is here inside. Aren’t you ashamed? Mukhang sisirain niyo pa ang sasakyan niya,” maawtoridad naman ang boses nang nagsalita. Halata sa kanya ang awra na parang si Lanz ang dating. Seryosong tao.

They are gorgeous hunks. Isang dapo pa lang ng tingin mo sa kanila, mabibighani ka na sa kanila. Kaso mukhang may nakatagong problema sa pag-iisip ang tatlo. Hindi ko masabi kung ano pero mukhang may kulang sa kanila. Mukhang may ilangan pa nga sa kanilang tatlo.

Umiling na lang ako. Kailangan na sigurong ako ang magsalita dahil mukhang hindi sila magpaawat sa sumaway sa kanila.

“W-What do you want? Who are you all?” mahinang tanong ko. Nagkatinginan naman silang tatlo kung sino ang unang magpakilala. Kahit alam ko na ang pangalan ng dalawa, gusto ko ulit marinig.

“Again, I’m Twight Zake Manuzt, Alpha of Yellow Moon Pack at the West side of Lebanese Mountain,” pormal na pakilala niya. Inabot niya agad ang kamay ko para makipagkamay.

Wala sa sariling tinanggap ko iyon. Wala pa rin akong ideya kung bakit nandito sila sa loob ng kotse ko. They interrupted my drama. Siguro puntahan nila si Lanz.

“Hi, miss beautiful… I know, you already know me but I will introduce myself formally,” nakangiting wika nito. “I am Hazht Solitaire Dy, Alpha of Red Moon Pack on the East side of Lebanese Mountain.” Imbes na makipagkamay sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at inilapit iyon sa labi niya–hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

Tulad nang una naming pagkikita, sobrang pilyo ni Solitaire. Siguro kung nandito si Lanz, nakakatikim na ng suntok si Solitaire. Hindi ko namalayan, tumulo pala ang luha ko sa aking pisngi.

“I guess, naalala mo naman ang lokong si Lanz dahil kung nandito siya, walang may makahawak sa iyo. He’s damn possessive. I’m… sorry, miss beautiful,” nakayukong maumanhin ni Solitaire, maingat niyang binitiwan ang kamay ko. “Don’t cry, hinalikan ko lang naman ang likod ng kamay mo, eh. Sorry na.”

“I’m sorry,” nahihiyang sambit ko. Inis kong pinahid ang palad ko sa aking mata at pisnging may luha. Bakit ba kasi tulo nang tulo ang luha ko kung naalala ko si Lanz?

Taming The Alpha (Taming Series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ