"Dalawang A1."

"As I was saying–" Dion cut me off.

"I'm hungry." halatang badtrip na si Dion dahil hindi siya tumitingin saakin at nakakunot lang ang noo niya.

Walang nagsalita saaming dalawa hanggang sa mahatid niya ako sa bahay.

"By–" magpapaalam na dapat ako nang ipinaharurot na niya agad ung kotse. Edi wag! Kala mo porque pogi ka Dion hahabulin kita?! Che!

Badtrip akong pumasok ng bahay at nahalata iyon ni mommy dahil nagdadabog ako habang tinatanggal sapatos ko.

"Anak ayos ka lan–"

"I'm fine. Pahinga muna ako." Hindi ko na tinapunan ng tingin magulang ko at tsaka dumiretso sa kwarto.

Thank God wala si kuya at lumabas kaya makakapagmukmok ako.

Isinubsob ko lang mukha ko sa unan at doon ko nilabas galit ko. Bakit ba kami nagaaway ni Dion? Ano ba talaga ang dahilan? I get it dati pa kami nagtatalo pero ito ung seryoso sa lahat ng pagaaway namin. Simula nung maayos kami wala na siyang ginawa kundi dumikit saakin. Dati wala akong pakialam kung nakadikit siya saakin pero ngayon naiinis na ako–naiinis ba talaga?

"Ugh! Sino ba talaga ang may mali? Sino ba talaga ang may problema saaming dalawa?" tanong ko sa sarili ko.

"Malamang ikaw. Ikaw lang naman binibigyan malisya lahat eh. Tipong maliliit na gestures ni Dion nabobother ka." tanong ko sagot ko. Great!

Bakit ba ako nagkakaganto sa isang lalaki? Diba may isa akong rule sa buhay–No regrets. Just go with the flow.

Eh bakit hindi ko magawang umabante sa mga ginagawa ni Dion? Bakit ako naka stuck pa din sa nangyari past months?

Maya maya lang bigla tumunog phone ko. Nang makita ko ang pangalan agad ako napabalikwas ng bangon.

Dion:
I'm sorry dedi. I shouldn't act that way.

And just like that, gumaan na bigla ang loob ko. Potek ka talaga Dion. Ano ba nangyayari talaga saakin?

Magrereply na dapat ako nang tumawag siya bigla. Sinagot ko naman.

"Hey Deene.." paos ang boses ni Dion at parang kakagaling lang sa... Iyak? "I'm sorry. If you want space I'll give it to you. I'm sorry if I'm acting selfish or what. Whatever you want Deene I will gladly give it to you. Just don't leave me."

Sa boses ni Dion biglang lumabot ang puso ko. No one deserves Dionysius Peter Potenciana. He's so very down to earth at inaapakan niya ang pride niya para sa taong di siya deserve. I don't deserve someone like him. He's so perfect. Truly a man.

" I'm sorry Dion. Hindi ko dapat ginawa ung pagsalitaan ka ng malakas. I know I'm not bothering you and you're doing it at you will so I don't have a say on what you want. It's me who has a problem. Di ko alam nangyayari saakin Dion."

"Shh. I'll help you whatever you're dealing with alright, Deene? Just rest for now. Bye Deene." pati pagsasalita ni Dion napaka perfect. He's so gentle when he's talking at punong puno ng sincere.

I wonder why Margaux doesn't want a man like Dionysius Peter Potenciana?

Pagkaraan ng ilang araw naging maayos kami ni Dion. Ngayon nandito kami ng pamilya ko sa Bulakan. Hometown ni lola.

Sariwa ang hangin dito at punong puno ng puno! Lumabas kami ni ate para mag picture dito.

"Kaye doon tapat ka maganda angle." saad ni ate Kayleen.

Nakalimutan ko na magmaganda nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Habang tinitignan ko ang mga puno at mga lumang bahay dito tila may sentimental value saakin ito. Hindi naman saakin ito nangyayari dati ah?

"Ay taray ang ganda oh tignan mo ang ganda."

"Ah hehe.. Oo nga." pinilit kong ngumiti para itago ung kirot na nararamdaman ko.

Natapos ang photoshoot eme namin nang magsimula magsalita ang kapatid ni lola.

"Nawala ang yaman ng mga Santos eh. Kaya ung mga ari-arian ng Santos ay nawala. Pati ang hacienda nademolished na. Kaya ang mga susunod na henerasyon ay itong bahay na lang napatayo."

"Ano po ba negosyo dati ng mga Santos kaya sila yumaman?" takhnag tanong ko.

"Nag susuplay sila dati ng mga itlog. Umaabot ng Maynila iyon kaya malakas ang kita. Sila din ang Nag susuplay sa buong Bulakan."

"May litrato po ba kayo nina Nena Santos?" napakunot bigla ako ng noo dahil sa tanong ko. Bakit ba bigla ako nacucurious sakanya? Sakanila?

"Kay Nena Santos wala pero sa mga kapatid ni Nena meron. Eh teka hanapin ko."

Nahanap ni lola Ely ung photo album at shet! Ang pogi ni Hudin! Kaya pala may pinag manahan eh. Charot.

"Eto si Maria.." bakit parang nakita ko na itong si Maria? Ang weird talaga.

"At eto ang asawa niya.. Si Crisostomo Fuentes. Isa siyang abogado noon. Ang gwapo hindi ba?" hindi ko makita ng malinaw ung itsurs ni Crisostomo dahil may punit ito. Sayang naman di ko makita kunf pogi talaga.

"Infairness hawig niya si Cris. Diba love?" tanong ni ate sa asawa niya. Tumango naman ito. "Ay Fuentes? Ung hacienda na malapit dito? Sakanila iyon?"

"Oo. Sakanila nga iyon." kung ano ano pa pinagusapan nila at hindi ko na makuhang makinig. Lumilipad ang utak ko sa anuman bagay.

Bakit bigla bigla na lang ako nawawalan sa mood? Bakit bigla akong nalulungkot na lang? Ano ba talaga nangyayari saakin? May sira na ba ulo ko? Hindi naman ako nakain ng aso o pusa pero pakiramdam ko nauulol na ako.

"Papahangin lang po ako sa labas." nagpaalam ako sakanila at tsaka lumabas. Hindi ko alam saan ako dadalhin ng mga paa ko pero nang mapahinto ako nakita ko sa signboard ang "Hacienda Fuentes."

Binuksan ko ung gate nila ng dahan dahan tsaka sinipa sipa ang mga patay na dahon. Pagkatapat ko aa pintuan nila biglang lumakas ung hangin. Unti unti kong binuksan ung pintuan nila at eto nanaman ung kirot na nararamdaman ko.

"Ano ba nangyayari saakin..." saad ko sa aking sarili habang hawak hawak puso ko. "Bakit ang sakit.."

Nilibot ko ung buong bahay nila. Halos wala na kagamitan at hindi na naalagaan. Wala na din ung mga litrato dito. Halos wala na natira pwera sa isang lumang piano.

Sinubukan kong patugtugin iyon pero wala na saysay. Nakailang tingin ulit ako sa buong bahay nang mapagdesisyunan na lumabas.

Nagaya na din sila umuwi sa Maynila kaya umalis na din kami. Wala ako kibo buong byahe at hindi ko malaman kung ano nararamdaman ko ngayon.

Ano ba meron sa Bulakan at ganun na lang ang pakiramdam ko?

---

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now