I mouthed 'cheater' but I just receive a smile.

"Go Khai. Be happy for a lifetime." Ani ni boss nang makalapit si tukmol sa gawi namin at tinapik niya ang balikat nito.

Nagtataka namang akong palipat-lipat ng tingin sa kanila.

"May dapat ba akong malaman?" Singit ko.

Binigyan lang ako ng makahulugang tingin ni boss na mas lalo kong ipinagtaka. Si Juv naman ay ngumiti lang sa akin.

Owwkay. I'm surrounded by weird people. 

"Congrats in advance Juv." Sabay na wika ni boss at Juv.

Balak ko sanang magtanong sa kanila ngunit hinawakan na ako sa pulsuhan ni tukmol at hinila palabas ng reception hall.

Gusto ko siyang sigawan kong ano ang kanyang ginagawa ngunit nang mapalingon ako sa gawi ng aking kaibigan ay nakangiti lamang siyang kumakaway.

"Saan mo ba ako balak dalhin?" Lakas loob kong tanong sa kanya kahit naiinis pa din ako.

Nakasakay kami ngayon sa elevator dahil nasa hotel kami na napagaalaman kong isa sa pagmamay-ari ng kaibigan ko.

"Just wait and you'll see."

Hindi ko na binalak na magtanong dahil alam kong hindi naman siya sasagot. Kahit kulitin ko pa siya ng kulitin, siya pa din ang mananalo sa huli.

Nagpahila na lamang ako sa kanya nang makalabas kami sa roof top nitong hotel. Mas lalo lamang nadagdagan ang pagtataka ko nang makita kong may naka abang ng helicopter sa amin.

Kaya pala may naririnig ako kanina.

Akala ko napadaan lang.

"Get in!" Pasigaw na saad ni tukmol sa akin dahil sa lakas ng elise ng helicopter.

Pumasok na ako sa loob ng helicopter bago sumunod sa akin si tukmol. Nang maisara niya ang pinto ay nagtaka ako kung bakit wala akong marinig na ingay.

"It's sound proof." Sagot niya na para bang nabasa niya ang aking iniisip.

Wow. Evren Yilmaz lang ang dating.

Hindi na ako nagsalita pa at napahawak na lamang sa kamay ni tukmol nang unti-unting umangat ang  helicopter.

Dala-dala ko pa din ang bulaklak habang tumitingin sa labas ng bintana nitong helicopter.

Wala akong takot sa height. Kaya kahit sobrang taas na nitong sinasakyan ko ay hindi ako nakakaramdam ng takot.

"Is this a.. sort of surprise?" Baling ko kay tukmol na mahigpit ang kapit sa aking kamay.

Dinala niya ito sa kanyang labi at hinalikan bago nagsabing, "you'll see."

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa labas at tinatanaw ang tanawin.

I'm starting to appreciating the view of the clear ocean and different kinds of trees nang mapansin kong unti-unting bumababa ang helicopter.

From the right side of the window, I can see the three storey house made by glass wall. It as a white paint and a mixture of blue.

Sobrang ganda ng dagat at kahit hindi ko tanungin si tukmol ay alam kong pagmamay-ari niya ito.

Nang makalapag na ng tuluyan ang helicopter ay inalalayan akong lumabas ni tukmol bago lumipad muli ang helicopter.

Mabuti nalang at hindi nakalugay ang aking buhok kaya hindi na ako nag-abalang ayusin pa ito.

When I face the clear blue ocean, I can see the beautiful sparkling within in.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now