"Tama po kayo tay. Hindi pa huli ang lahat. Pumunta po kasi kami dito para puntahan kayo at si nanay."

Ibinaba ni tatay ang kanyang kamay na humahaplos sa aking ulo. "ganun ba? Magbibihis lang muna ako."

Tumango ako bago ako hinalikan ni tatay sa noo at umakyat papuntang kwarto.

Hindi din nagtagal si tatay at bumaba na siya ng nakabihis. Tumayo na ako at naglakad kasabay si tukmol. Nauna si tatay papunta sa sasakyan.

May kasama kaming driver. Si tatay ang nasa passenger seat habang kaming dalawa ni tukmol ay nasa backseat. Kahit ilang taon na ang nakakalipas, nakasanayan ko na talaga siyang tawagin na tukmol.

"Bakit malamig din ang kamay mo?" Mahina kong tanong sa kanya na panay ang pisil sa kamay kong hawak niya.

"Nothing. Just don't mind me."

Kahit hindi kombinsido ay tumango nalang ako. Pinili ko nalang na ibahin ang usapan.

"Babalik din ba agad tayo para dumalo sa kasal ni boss at ni Juv?"

"Yeah. Next week na ang kasal nila at inaasahan nila tayo duon."

"I miss Juvelyn and also Logan. Gusto ko na silang makita." Nakanguso kong ani.

"Bukas na bukas din. Babalik tayo duon." Saad niya bago halikan ang aking sentido.

Tumango ako ar humilig sa kanyang balikat. Nanatiling magkasiklop ang aming mga kamay hanggang sa makarating kami sa puntod ni nanay.

Naunang bumaba si tatay. Inalalayan naman ako ni tukmol sa pagbaba bago kami naglakad papunta sa puntod ni nanay.

Again. I can't help to be emotional. Ganito pala ka sakit na mawalan ng isang pamilya. Ganito pala kasakit na mawala sayo ang minamahal mong Ina.

"N-Nay.." hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil pumipiyok ang aking boses. Napaluhod nalang ako sa harap ng kanyang puntod habang tahimik na humihikbi.

"Alam kong sinisisi mo ang sarili mo anak sa pagkamatay ng nanay mo." Biglang wika ni tatay na nakatayo sa tabi ko. Ngunit hindi ako nagsalita. "pero nagkakamali ka anak. Dahil ang huling sinabi ng nanay mo sa akin ay pigilan kang sisihin ang sarili mo. Ako man ay hindi tanggap ang nangyari. Pero nakatakda na ito. Wala na tayong magagawa. Nandito parin sa puso ko ang iyong Ina. Hindi siya kailanman mawawala dito. Kaya kong sinisisi mo ang sarili mo, wag anak. Dahil iyon ang hindi magugustuhan ng nanay mo. Hindi man niya kadalasan sinasabi, pero mahal na mahal ka niya anak." Mahabang litanya ni tatay.

Mas lalo lamang akong napahikbi sa kanyang sinabi. Hindi ko lubos maisip na hindi sisihin ang sarili ko. Dahil unang una, ako naman talaga ang dahilan.

Sorry nay. Pero hindi ko yata kayang hindi sisihin ang sarili ko. Mahal na mahal kita nay.

Pero kakayanin kong pigilan. Ngunit nandito pa din ang sakit sa puso ko dahil sa nangyari. Yung ang hindi mawawala sa akin.

"D-Dapat lumaban kayo n-nay.." pumipiyok ang boses na wika ko. "d-dapat hinintay niyo akong magising. Kung n-nasaan ka man ngayon nay. Palagi mong t-tatandaan na mahal na mahal ka namin ni tatay." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nahihirapan na ako sa paghinga.

Nanatili lamang akong umiiyak. Tahimik lang ang dalawa kong kasama na naiintindihan ko naman.

Hindi lang ako sanay na wala ng Ina ang umaalalay sa akin. Wala ng Ina na palagi kong kabiruan, palaging na a-advice. Ang Ina kong mahal na mahal ko. Ang Ina kong naging dahilan kung bakit ako nandito sa mundong ito.

"Nay. Hindi man ninyo ako pormala na nakilala, but I swear to God. I'm a good boy." Biglang usal ni Khairo na nakatayo sa kabilang gilid ko. "I'm sorry I didn't save you. But I promise to take care of your daughter and love her with all my heart. Hindi ko siya na protektahan ng maayos. Na kung sana hanggang ngayon at buhay ka pa. I know Janine is blaming her self, but in the first place, I'm the one to be blame. Ako ang nagsimula ng lahat. Kaya dapat ako ang sisisihin. Kung sana hindi ko siya dinamay. Kung sana hindi ko siya kinausap. Hindi lahat ito mangyayari. I swear to God and to you, nay. For now, I will keep my promise and do it with all my strength. Sa pagkakataong ito. Hindi ko na hahayaang may manakit sa mahal ko. I don't want to loose her. She's my world. And if she destroy by someone, I'm gonna destroy them too. That's my promise for you, nay. I will always keep that in my mind and also in my heart."

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now