Chapter 1

25 2 0
                                    




"Aviona, gising na," yugyog ko sa kapatid ko


"Hmm," ungol niya, hinawi niya ang kamay kong yumuyugyog sa balikat niya.


"Tanga, gumising ka na," tinapik ko na siya nang malakas para mainis at bumangon na, "Aba, Avi! Tumayo ka na dyan at malapit nang dumating yung mag aayos sayo!" sigaw ko sa tenga niya


"Bwisit ka naman, Ate!" sabay tulak sa akin pa alis ng kama niya


Tumayo na ako para lumabas na ng kwarto niya


"Hahaha, kulit mo ha! Tumayo ka na diyan! Baka gusto mong ikulong kita dito at 'wag ka na lang mag debut!" sigaw ko ulit habang naka hawak sa pinto papalabas ng silid


Inis na tumingin sa akin si Avi kaya tinawanan ko lang siya nang nakakaloko. Lalo pa siyang nainis kaya kumuha siya ng unan tsaka ito inambang ibabato sa akin kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto niya


Tatawa-tawa ako habang nag lalakad pababa sa kitchen, nag luluto doon si Mommy. 18th birthday ni Avi ngayon kaya nag hahanda kami dito sa bahay pero para pananghalian lang yun, mamaya ang tunay na handaan.


Isang taon nang naka plano itong debut ni Tanga. Simula siguro nung napag-usapan noong nakaraan niyang kaarawan. Hindi ako nakikisali sa planning nitong event, sa food tasting lang ako. Sila Avi at Mommy ang bahala sa mga bisita basta sinabi lang nila sakin kung ilan yung bilang ng bisita para maayos yung sa food.


Yumakap ako sa likod ni Mommy "Hi," bati ko sakanya "Good Morning, how's the food?" tanong ko habang naka tunghay sa niluluto niya


"Almost done, honey" sagot ni Mommy


Inalis ko yung yakap at saka umupo sa breakfast table. Tamad na tamad akong nag pangalumbaba sa lamesa, "Ma, dalian mo d'yan, tom jones na 'ko" walang ganang sabi ko


"Ilang minuto na lang. Tawagin mo ulit yung kapatid pati na rin yung Daddy mo para kumain na tayo." utos sakin ni Mama


Ge...


Hindi na ako sumagot kaya mabilisan ko lang tinawag si Avi at Daddy, "Avi! Daddy! Kakain na!" Sigaw ko mula sa living area, rinig yon panigurado.


"Aris! Ano ba?!" Sigaw din pabalik sakin ni Mommy, tinawanan ko lang siya


Tatawa-tawa akong pumwesto sa upuan ko para intayin yung pagkain at yung mga kasama ko kumain.


"Ate, para kang tanga," asar na sambit ni Avi sa tabi ko nang makababa na siya


"Namana ko sayo yun," asar ko sakanya pabalik


Maswerte ako na ganito ang pamilya ko. Close kami. Ang mga magulang ay parang nag liligawan pa rin at si Avi kahit apat na taon yung agwat namin parang sabay lang kami pinanganak sa sobrang close namin. Actually, parang tropapits ko lang sila. Pero kahit mag murahan kami dito nang pabiro dapat alam mo sa sarili mo na may respeto ka sa lahat, kung wala, baka gusto mong dumugo 'yang labi mo.


"Ready na ba lahat ng mga susuotin natin?" napa-angat ako ng tingin kay Daddy habang ngumunguya


"Hmm," nilakasan ko pa para marinig, hindi ako makapag-salita may malaking parte ng baka sa loob ng bibig ko, hindi ko malunok.


"Ge ge," walang kwentang reply ni Daddy


Nasa gitna ng pag uusap ang parents ko nang may nag doorbell. Sinipa ko sa ilalim si Avi para siya ang mag papasok, matic na kasi yan ako agad ang uutusan ni mamc. Tinuro ko pa yung baka na nasa bibig ko para sumunod siya. Hanggang ngayon di ko pa rin malunok, sobrang laki kasi.


The Butterfly EffectWhere stories live. Discover now