Chapter 4

14 2 0
                                    


Maaga akong nagising dahil sa malakas na tunog ng doorbell. 'Di na ako nag abala na mag ayos ng mukha at pumunta agad sa pinto. 


Laking gulat ko nang tumambad sa aking harapan si Avi. "Bakit ka na naman narito?" Takang tanong ko sa kaniya


"Ayaw mo ba ako rito?"


"Oo."


"Ang arte mo! Dito muna ako dahil buryong buryo na ako sa bahay at tapos na ang klase ko. Nag iintay na lang ako ng graduation ko." Mabilis na paliwanag niya


"Narito ka lang kahapon, e. Bakit 'di ka pa nagpaiwan kagabi?" Tanong ko


Ngunit 'di na niya ako sinagot bagkus pumunta s'ya sa kwarto ko para lang humiga at mag cellphone. Hindi ko na s'ya pinansin at naligo na lang para pumasok na. Hindi na mabigat ang mga gagawin ko ngayon dahil tapos na rin naman ang finals. 


After my shower, I did my minimal make-up, and I put on something comfortable. While putting on my earrings, my vision got blurry. Humawak ako sa ulo ko at umupo sa kama. "'Te, ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Avi


Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil ginising niya ako nang maaga. "Wait, kuha kitang tubig." mahinang sambit ni Avi


Nanatili akong nakahawak sa 'king ulo, nahihilo. Hindi pa nakakalabas ng kwarto si Avi ay nakakunot na ang ulo niya sa 'kin, nag aalala. Bago pa s'ya makalapit sakin ay umikot na ang sikmura ko kaya napatakbo ako sa banyo. 


"Ate!" 


Lumuhod ako sa sahig at dumuwal sa toilet bowl. Hindi ko talaga trip yung kinain namin kagabi. Dagdag mo pa yung masamang amoy ng chicken curry na dala nila Mommy. Lumapit sa 'kin si Avi at hinagod ang likod ko. May dala na rin siyang tubig at tissue. 


"May masama yata tayong kinain kagabi, 'di ko talaga trip." Nanghihinang sambit ko


"Ate, oh. Inom ka muna." 


Kinuha ko 'yon sa kanya, minumog ko muna at idinura sa toilet bowl. At saka ako uminom. Masakit ang lalamunan ko dahil nilabas ko na yata lahat ng kinain namin kagabi. Kinuha ko rin ang tissue at pinunas sa bibig ko. 


Umiling ako at nanghihinang lumabas ng banyo. Nararamdaman ko ang pag sunod ni Avi sa 'king likuran. 


"Parehas tayo ng kinain kagabi, Ate. But I'm fine. 'Di naman ako sumuka," maingat na sambit ni Avi


Umupo ako sa kama at niyakap ang unan, nakatulala. Iniisip kung ba't ako nagkakaganito lately. 


"Ate, 'wag ka na kaya pumasok ngayon? Magpahinga ka na lang dito muna. Kagabi nag suka ka rin, e." Suhestiyon ni Avi


"Tangina. Gago. Putangina! 'Di p'wede! Imposible! Ate Aris! Gago! Feeling ko buntis ka!" Nag papanic na sambit niya

The Butterfly EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon