A Glimpse of Reality - Hundred Years Later (ENVIRONMENT)

33 1 0
                                    

Hi, if gagamitin mo, baka pwede manghingi ka sakin ng permiso? Libre naman mag chat ehehehe. Labyu lods! Plagiarism is a crime ehe.

Kalugmukan sa Pagbabago
By: @ deymbratt

Naaaninag ko ang kapatagan ng buong bayan
Heto ako, nakatayo pinagmamasdan
ang taon ng kalugmukan
Disyembre sais, taong dalawáng libó't siyám na pû't waló
Akoy napadpad sa hinaharap ng kasalukuyan ko

Pangalan koy Ana, nagmula sa taong dalwang libot dalawampu
Kilala bilang isang tanyag na manlalakbay
At di ko akalain na ang orasan ng buhay, ay itinapon ako sa taong ito
Ang hinarap mismo ng kasalukuyan ko

Tinignan ko ang buong paligid,
Nakikita ang mga tao na parang nasa bilibid
Mga noo koy napakunot ng di namamalayan
ng makita na may nakakabit na aparato sa kanilang katawan?

Anong nangyayari at parang ang hininga nilay inaasa sa aparatong iyon?
Hindi bat may libreng hangin naman sa buong nasyon?

Nawala ang tanong sa aking isip ng marinig ang isang tahol ng aso
Bigla ay sumaya ako dahil sa lahat ng hayop, ito ang paborito ko
Hinanap ko ang boses ng tahol, at nadismaya ng ang makita ay isang pigura na nakapaskil sa gitna ng kalsada
Animo'y robot kung tatawagin,
at eto ako dumami ang tanong dahil sa mga tanawin

Bigla ay nauhaw ako, kaya sinubukan kung maghanap ng tubig
Hindi na bago sakin dahil sa amin palagi akong nag- iigib
Tingin don, tingin dito
Gusto ko sanang magtanong sa mga tao
Pero mukhang hindi nila ako nakikita, para bang silay nasa ibang mundo

Ayun, may nakita akong gripo.
Ang distansya ay aking tinakbo
Pagkat nauuhaw na talaga ng todo
At ng marating ko lugar nito

Napatigil ako, teka? Kelangan maghulog ng pera?
At napasigaw ako ng marinig na nagsasalita ito bigla
"Hello, good morning lady, 500 for a 50mL refill"
Teka tama ba yung pandinig ko?
Limang daan para sa isang tubig?

Anong nangyayari?
Ito ba talaga ang hinaharap ng kasalukuyan ko?
Ni isa walang mga hayop at walang mga halaman dito
Tanging mga imprastaktura lang bumubuo dito
Tubig at hangin ay hindi libre
Paano?

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang maalala ang taon kung saan ako nangaling
Akoy napatawa sa kahihiyan.

Kasalanan namin to.
Hindi namin pinahalagan ang kalikasan.

Ngayon sino ang naghihirap?
Ang mga tao at pamilya namin sa hinaharap
Ginusto namin ang mga pagbabago,
at hindi napagtanto,
na ito ay magiging kalugmukan at kahihiyan para
sa susunod na henerasyon

Patawad inang bayan
Patawad inang kalikasan
Hindi namin nakita ang iyong kahalagahan

Biglang sumakit ang aking ulo,
Kasabay ng pagkawalan ng malay ay ang pagkahilo
At sa pagdilat ng mata,
pamilyar na ang bubong ang aking nakita

Nabalik na ata ako sa taon ko
At sa mga nalaman ko sa hinaharap,
oras na para gawin ang tama at mabago ang kasalukuyan.

(Amidst the pandemic we are facing right now, I hope we don't forget to love our environment even in the areas of our household. Keep safe and stay hydrated everyone)

Words left unsaidWhere stories live. Discover now