Pagkawala

50 3 0
                                    

Hi, if gagamitin mo, baka pwede manghingi ka sakin ng permiso? Libre naman mag chat ehehehe. Labyu lods!



Magkasama tayong tumuntong sa kolehiyo
Damdamin natin ay nagagalak ng husto
Dahil heto, mag-uumpisa na tayong tatakbo
Sa destinasyon na ating gusto

Simula pa lang nahihirapan na
Pero laban lang, para sa pamilya
Paa'y namamanhid kakatakbo
Ngunit para sa pangarap, hindi susuko

"Kaya pa ba?"
Tumigil saglit at tumingala
"Kaya pa"
Sabay pikit at lakas ay nanumbalik, iniindang sakit ay nawala

Sa aking pagtakbo
Ika'y aking nilingon
Nakita ang pigura mong
Hirap na hirap at di makahaon

Sabay tayong nangarap
Ngunit hindi pwedeng ika'y aking balikan
Oras ay di sapat, sakit ang malalasap
Luha'y kusang tumulo, mabibigat na hakbang ang dala sa paglisan

Sa pag-abot ko sa aking pangarap
Yun naman ang iyong pagkawala
Ngunit ngayon, ika'y nakangiti sa aking harap
Nakaupo, naluluha at tumatawa

Mahal, pasensya kung di kita nabalikan
Sabi nila ako'y magpatuloy sa ating naumpisahan
Masakit kasi hanggang imahinasyon na lang
Na ang pag ngiti mo gawa-gawa sa isip ko lang

Dahil kahit kailan
Di mo na ako mababalikan
Na sa gitna ng pagsubok
Pinili mong sumuko, at sa kamatayan ay kumatok

Words left unsaidWhere stories live. Discover now