Spoken Poetry - Hope, Love, Light

79 3 0
                                    

Hi, if gagamitin mo, baka pwede manghingi ka sakin ng permiso? Libre naman mag chat ehehehe. Labyu lods!



Sa pag-gising ko tuwing umaga
Hindi alam kung matutuwa
Lagi na lang tulala,
Sa kawalan ay biglang may na-aalala

Napadako ang tingin sa isang tukador
At sa isang lumang obra na galing sa isang imbentor
Isang imbentor na naging parte ng aking mundo
Isang tao na minsan ako'y binuo

Ngunit katulad ng kanyang obra
Maganda lang sa umpisa
Dahil habang tumatagal
Kumukupas, nanglalanta, tulad ng paglisan niya

Ang hirap dahil hanggang ala-ala nalang
Ang hirap, dahil parang kailan lang
Nagkwekwentuhan na parang magkaibiigan lang
Nagtatawanan na para bang magkasing edad lang

At heto ako ngayon
Naiwang mag isa, sa isang sitwasyon
Na bago sa sarili ko
At di alam kung ano ang tamang desisyon

Paa'y namamanhid kakatakbo
Sa mga mata ng mapanghusgang tao
Nalilito sa kung ano ang dapat gawin
Kaya napagpasyahan na magtago na lang sa dilim

Ang hirap magsimula
Pabalik sa umpisa
Sa dating sigla,
Sa dating saya

Sa dating mga gusto
Sa dating mga plano
Sa dating mga pangako
Na ngayon ay tuluyan ng napako

Ang hirap bumangon
Habang iniisip ang mga "baka"
Ang hirap umahon
Lalo na't may magagawa pa sana

Kahit anong gawin, hindi magawang humakbang
Para bang mga paa'y nakatali
Ang bigat sa pakiramdam
Na wala na yung ilaw, sa mundong natatangi

Wala na ang mga masasayang ala-ala
Lahat ay tuluyan ng nabaon
Ala-ala na Masayang pinagtibay ng ating relasyon
Relasyon na hindi na mabalikan dahil parte na ng kahapon

Akala ko habang buhay nalang magtatago sa dilim
Akala ko habang buhay nalang kakapit sa patalim
Pero akoy nagkamali
Na habang buhay nalang ito'y mahapdi

Hindi namalayan, na sa dilim na aking kinaroroonan
Nagkaroon ng sinag aking pinagtaguan
Isang kamay ang sumungaw
At ang mga kataga nitong, sa akin ay nagpatunaw

Binigyan ng pag-asa
Na sa kabila ng delubyong tinatamasa
Hindi mag-iisa
Dahil kasama ko siya.

Ipinangako nya,
Na sa kanya, protektado at masaya siya
Na sa kanya, walang problema
Kaya wag sisihin ang sarili at lumabas na

Ngayon, pagbibigyan ang sarili
Pagbibigyan na baka sakali
Pagbigyan ang sariling makalimot
Sa mga sakit at po-ot

Tulad ng isa sa mga kanta ng Ben&ben na pinamagatang "Baka Sakali"
Hindi sigurado, hindi rin madali
Na makalimot sa taong minsan mo ng tinuring mundo
Pero kung sobrang masakit na, tigil na.

May pag-asa pa.
Pero hindi sa kanya.

Words left unsaidWhere stories live. Discover now