A Spoken Poetry

112 4 0
                                    


Hi, if gagamitin mo, baka pwede manghingi ka sakin ng permiso? Libre naman mag chat ehehehe. Labyu lods!




"Tanga"

Sabi nila ako ang perfect example ng salitang tanga
Minsan akoy napapaisip talaga
Masama bang mahalin sya ng sobra?
Kahit pinagtutulakan niya ako, bawal ba?

Oo, nasasaktan ako
Pero desisyon ko to
Manhid na ba ako?
Hindi, nagmahal lang ako

Kahit anong gawin
Pag ibig ay lumalalim
Di ko rin lubos maisip
Pero pag tumigil ako pusoy sumisikip

Tinagurian nga daw akong matalino
Pero bakit daw pag dating sa mga ganito
Daig ko pa ang bobo
Na kahit alam ko na daw yung totoo
Na kahit hinain na daw yung sagot sa harap ko
Pilit pa din akong humahanap ng mas kumplikado

Oo na, tanga na kung tanga
Pero diba ganyan naman talaga
Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo
Kaya nga tangap ko ang katotohanang ito

Na kahit mahal ko yung tao
Tutulungan ko pa din sya
Magmahal man sya ng iba
Okay lang basta masaya siya

Tanga ba talaga
Kung ang kasiyahan nya lang sapat na
Na kahit nasasaktan na
Na kahit pusoy nadudurog tuwing nakikitang magkasama sila
Ngingiti na lang kasi masaya nga siya

Hindi lahat nakakaintindi
Sa iba, rason koy nakakarindi
Pasensya, mukhang akoy walang magawa
Akoy nakakulong na
Sa mapait na katotohanang mahal ko sya
Kahit may mahal man syang iba

Words left unsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon