Epilogue

347 32 27
                                    


***

Ang bawat daan ko ay patungo, ay pabalik sa'yo.
- Bawat Daan / Ebe Dancel

Five years later

Congratulations! You just published Chapter 30 of your story ; "Her 5:45 AM"

Marahan kong kinusot ang aking mga mata matapos hubarin ang salamin na suot ko. Inilapag ko ito sa tabi ng aking laptop bago muling napatitig sa screen. Sa wakas, na-edit ko na rin ang ending ng kwentong isinusulat ko. Sumulyap ako sa picture frame na nakasabit sa pader at ngumiti sa nakangiting larawan ni Atha.

Sinilip ko ang oras at nang makitang alas tres na ng hapon ay agad na akong tumayo para maligo at mag-ayos. Sakay ng aking motor ay maingat akong bumyahe papunta sa bahay nina Kuya Kenneth dahil birthday ng aking pamangkin.

"Nasaan na ang batang makulit?" masayang bati ko nang makarating. Tinapik ako ng ugok.

"Kean, nandito na si Tito Kenken, oh!" pagtawag ni kuya sa kanyang 3-year-old na anak. "Congrats pala sa libro niyo ni Atha, tol. Kita mo nga naman, oh! Kung kailan hindi na ako sa bookstore nagtatrabaho, saka pa kayo magkakaroon ng libro. Kailan nga ulit ang book signing?"

Umiling ako habang natatawa at bahagya ring tinapik si kuya. "Mabuti na 'yon at baka gamitin mo pa ang pagiging magkapatid natin para makapang-hakot ng customers," pang-aasar ko.

"Aba gago ka talaga!" sabay kaming natawa.

Umupo ako para salubungin si Kean na halos magkanda-dapa-dapa habang inaalalayan ni Ate Hannah -- ang asawa ni kuya, papunta sa akin. Ngumiti ako bilang pagbati. Tuwang-tuwa naman akong niyakap ni Kean.

"Na-miss mo ba si Tito Kenken, ha? Happy Birthday, kulit! Eto regalo ni tito pogi, oh."

Masayang inabot ni Kean ang dala kong laruan at agad itong ginamit. Niyaya na akong kumain ng mag-asawa at masayang nakipagkwentuhan. Nagpaalam din ako makalipas ng isang oras dahil kailangan ko pang dumaan sa office para mag-file ng leave dahil may pasok ako sa araw ng book signing. Copy editor ako sa isang business company.

Hindi makapaniwala ang mga katrabaho ko noon nang malaman nilang ako ang Ken sa kwentong "My 5:45 AM" na isinulat ni Atha noon sa kanyang journal. Hindi ko akalain na maraming makakabasa nito nang maisipan kong ilagay ito sa isang platform kung saan pwedeng magsulat at magbasa ang lahat. Hindi ko rin akalain na mamahalin ko ang pagsusulat.

Pagkatapos kong makapag-file ng leave, dumiretso ako sa flower shop para bumili ng bulaklak. Dumaan din ako sa isang bake shop at bumili ng maliit na banana cake bago dumiretso sa puntod ni Atha.

Hindi pa man ako nakakalapit ay napansin ko agad ang nakasinding kandila at bulaklak na nakatayo sa kanyang puntod. Napalinga-linga ako sa paligid at nagbakasakaling makita kung kanino iyon galing.

"Kumusta ka dyan, mahal? Hindi ko na naman naabutan kung sino ang palaging nagdadala sa'yo nitong mga puting rosas," nakangiti kong inilapag ang bulaklak at cake na dala ko sa tabi ng kandila at naunang mga bulaklak.

Bago mag-isang taon noon si Atha, nagsimula na kaming makakita ng mga puting rosas at kandila tuwing bumibisita sa kanyang puntod. Walang palya ito at nang tanungin ko naman sina Tita Lordes ay nagtaka rin sila kung kanino iyon galing. Maging ang tropa ay tinanong ko rin ngunit palaisipan din sa kanila kung sino ang palagiang bumibisita kay Atha.

Papaupo na sana ako nang mapansin ang kulay puting panyo mula sa 'di kalayuan. Pinulot ko ito at saglit na napatigil nang mabasa ang maliit na pangalan na nakaburda rito.

Athaliah.

Mabilis akong luminga-linga at bago pa ako tuluyang makabalik sa puntod ay nakita ko ang isang batang babae na patakbo sa aking direksyon. Muli akong napatigil nang makita kung sino ang kasunod niyang babae na patakbo rin na tila hinahabol ito.

5:45 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon