Chapter 14

1.3K 97 59
                                    



***

Inch by inch, we're moving closer. Feels like a fairytale ending.. Take my heart, this is the moment. I'm moving closer to you.
- Moving Closer / Never The Strangers






Sabi ng erpats ko noong nabubuhay pa siya, may tatlong klase lang raw ng tao ang nagsasabi ng totoo. Una raw ay ang mga bata, ang sumunod naman ay 'yung mga taong galit at ang panghuli raw ay 'yung mga taong lasing. Kaya raw kung sino man sa tatlo na 'yon ang makakausap mo, paniwalaan mo raw ang sinasabi nila.

Dahil ang mga bata, hindi raw marunong magsinungaling. Kapag galit naman raw ang isang tao, hindi nito nakokontrol ang sariling isip kaya kung ano man ang gusto niyang sabihin, nasasabi niya dala ng matinding emosyon. At kapag lasing naman raw ang isang tao, hindi na rin nito napapansin ang mga nasasabi niya at mas madalas ay nakakatanggal talaga ng hiya ang epekto ng alak.




"Uy, Ken! Magandang umaga!"

Napalingon ako sa likuran ko nang maramdamang may kumalbit sa akin. Agad na sumalubong ang malalaking mga ngiti ni Atha. Sumilip pa ito sa cellphone niya at masayang ipinakita sa akin.

5:45 AM

"Pa'no ba 'yan? Hindi ako late," proud pa nitong tugon.

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti pabalik. Tinusok-tusok ko ang noo niya.

"Aba dapat lang. Lunes kaya ngayon," biro ko.

Tumawa si Atha at tinanong ako kung anong oras ba raw ako dumating. Sinabi ko na lang na kakarating-rating ko lang rin pero ang totoo alas-singko pa lang ay nandito na ako. Takang-taka nga ang ugok kong kuya kung bakit raw ang aga kong umalis. Sinabi ko na lang na may kailangan pa akong tapusin at sa school ko na lang gagawin.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nga ba ako maagang umalis. Dahil siguro hindi naman talaga ako nakatulog nang maayos. Simula pa 'to nung Sabado pagkatapos ng birthday ni kuya. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga narinig ko mula kay Atha.

"Pero n-nagulat na lang ako dahil bigla mo akong hinila, Ken. At sabi mo pa, parang awa mo na, huwag mo akong iwan, Eunice."

Ilang beses kong pinilit alalahanin ang pangyayari nu'ng nasukahan ko siya pero wala talaga akong maalala. Ginawa ko ba talaga 'yon?

"Bayad po," nagising na lang ang diwa ko nang marinig ang katabi ko sa jeep na nagpapaabot ng bayad. Napatingin pa ako saglit sa kamay nito bago abutin ang pamasahe na hawak niya.

"Ken, okay ka lang ba?" napatingin naman ako kay Atha pagkaabot nito ng pamasahe mula sa akin.

Saglit akong napatitig sa kanya at tipid na ngumiti.

"Ayos lang ako. Medyo inaantok lang," sagot ko.

Ngumiti si Atha at tinapik ang balikat niya.

"Sandal ka na," sabi pa nito kaya agad napakunot ang noo ko. Mahina naman siyang tumawa at mukhang inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko.

"Linya ko 'yan ha," sambit ko nang maalala ang eksena na pinasandal ko siya sa balikat ko nu'ng antok na antok rin siya.

"Bakit? Bawal bang gayahin?" bwelta nito kaya napatawa na lang ako.

5:45 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon