Chapter 10

1.6K 125 184
                                    


***

Gabi na pero iniisip ko pa rin buong araw mo sa aking piling. Minsan lang ako hindi malito, puso kong naligaw ay nahanap mo.
- 'Di Makatulog / SUD


Alas otso pasado na nang makarating ako sa bahay. Malakas pa rin ang ulan kaya nahirapan akong makasakay pauwi. Basang-basa ang suot kong uniform pati na rin ang sapatos ko. Mabuti na lang at waterproof ang bag ko kaya alam kong hindi naman masyadong nabasa ang mga gamit sa loob nito pati na ang cellphone ko. Giniginaw akong kumatok sa pintuan at mabilis naman akong pinagbinuksan ni kuya.

"Oh? Tarantado! Ano'ng nangyari sa'yo? Ba't ganyan ang hitsura mo?" gulat na bati nito sa akin.

Hindi ako sumagot at mabilis lang na dumiretso sa banyo pagpasok ko sa loob. Rinig na rinig ko pa ang panenermon ni kuya mula sa labas.

"Minsan alam mo bobo ka rin, ano? Alam mo nang malakas ang ulan, sumugod ka pa rin! At mukhang hindi nga lang sumugod, eh. Para kang naligo! Nag-iisip ka ba, ha? Ken Kristoffer?!"

Hindi masyadong pumapasok sa tainga ko ang panenernom ng ugok. Hinayaan ko na lang siyang dumakdak sa labas. Wala kasing ibang pumapasok sa utak ko ngayon kundi si Atha. Nakatitig lang ako sa pader ng banyo habang naliligo. Hindi mawala sa isip ko ang naramdaman ko kanina nung niyakap niya ako.

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita iiwan, Ken."

Medyo naguguluhan rin ako ngayon dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang kakaiba ang dating sa akin ng pagkakasabi ni Atha ng mga salitang 'yon. Na para bang alam niya ang nangyari sa akin noon. Na parang ramdam niya kung gaano ako nasaktan nung iwanan ako ni Eunice.

Hindi lang basta parang salita na basta-basta na lang niya binitawan. Para itong nagsasabi na huwag akong matakot dahil hindi na mauulit ang nangyari noon. Para siyang nangangako na hindi na ako mag-iisa ulit.

Pero imposible naman 'yon dahil hindi pa ako nagkukwento kay Atha tungkol sa nakaraan ko. Wala pa. Hindi pa siguro talaga ako gano'n kahanda at alam ko naman --- gaya ng sabi niya, lahat ay may tamang panahon. Huwag raw akong magmamadali. Hihintayin niya raw kung kailan ako magiging handa. Hihintayin ko na lang rin ang tamang pagkakataon at alam ko, lahat-lahat ay maikukuwento ko rin sa kanya.

Pinakiramdaman ko ang puso ko at sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na naman itong kumabog. Tangina. Ano ba 'to?!

Nagpatuloy na ako sa pagligo. Tuwing pumipikit ako, mukha ni Atha ang rumerehistro sa utak ko. 'Yung ngiti niya kanina habang nasa ulanan kami.

Tangina.

Napailing ako at pilit binubura kung ano man ang nasa isipan ko ngayon. Nakailang pukpok rin ako ng tabo sa ulo ko at inisip na lang na baka makatulong ito para mawala sa isip ko si Atha.

"Pota, ano ba'ng ginagawa ko?" natatawang pagkausap ko sa sarili at muling napailing.

Nababaliw na yata ako.

Mabilis akong nagbihis pagkatapos kong maligo. Inilabas ko rin lahat ng mga gamit ko at isinampay ang bag sa loob ng banyo.

"Ano ba kasing katangahan ang pumasok sa isip mo at naligo ka sa ulan? Complete uniform pa talaga at may bag?"

Narinig ko na naman ang pagsermon ni kuya pero tinapunan ko lang siya ng tingin. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Atha. Dali-dali ko iyung binuksan.

Ken, nakauwi na ako. Nakaligo na rin ako at nakapagbihis na pero ang ginaw pa rin. Hahaha. Salamat pala para sa araw na 'to, ha? ^_^

Hindi ko alam kung gaano na ba kalapad ang mga ngiti ko. Basta napangiti ako sa text niya. Nakahinga na rin ako nang maluwag dahil alam kong safe siyang nakauwi. Nagreply ako.

5:45 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon