Chapter 6

1.5K 145 9
                                    


***

Walang mabibigay ang bukas sa mga damdaming kumakalas. Ikaw at ako'y sadyang lilipas at bubukod na ng landas, sa wakas.
- Hanggang Dito Na Lang / Frio


Ilang araw ko nang hindi natityempuhan si Atha sa pagsakay sa jeep. Mukhang maaga lagi itong pumapasok at naging abala na nga para sa darating na General Assembly sa Sabado. Ilang beses na rin siyang wala sa mga klase namin pero hindi ito pumapalya na puntahan ako tuwing lunch break para sabayan sa tanghalian. Ayaw niya raw akong maging malungkot.

Palagi na rin akong nagdadala ng baon at totoo nga ang sinabi ng ugok kong utol na nakakatipid talaga sa allowance ang pagbabaon ng pagkain. Hindi pa nauubos ang allowance ko para sa linggong ito.

"Mojica, punta ka raw sa SC Office sabi ni Athaliah. 'Di raw siya makakaayat ngayon dito. Do'n ka na lang raw kumain," lumapit sa akin si Maru, isa sa mga kaklase ko sa major subjects.

Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Dali-dali ko nang isinukbit ang bag ko at bumaba para puntahan na si Atha. Pagdating ko sa office nila, agad na sumalubong sa paningin ko ang abalang mga officers na mukhang pagod na sa ginagawa nila. At mukhang hindi rin nila napansin ang presensya ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Atha pero hindi ko ito nakita.

"Athaliah! Nandito na 'yung friend mong blonde ang hair!" rinig kong sigaw ng isa sa kanila kaya naman mabilis napunta ang atensyon sa'kin ng ibang mga kasama nito. Nginitian nila ako at kahit naiilang ay tinanguhan ko naman sila.

Maya-maya pa'y nakita kong lumabas si Atha mula sa maliit na stock room ng office na ito. Nakangiti ito habang papalapit sa akin.

"Nandyan ka na pala, Ken!"

Hinila niya ako para tuluyang makapasok sa loob at isa-isa nitong ipinakilala ang mga officers ng Student Council.

"Guys, ito nga pala si Ken, from Communication Department din. Classmate ko," nakangiting pahayag nito.

"Ahh, siya pala 'yung madalas mong ibida sa amin!" sagot ng Vice President nila na si Anthony, isa itong bading. Siya 'yung tumawag kanina kay Atha pagdating ko.

Mabilis naman siyang sinaway ni Atha at natatawang tumingin sa akin.

"Ikaw talaga, Antonietta! Puro ka talaga biro. Baka mamaya kung ano pa'ng isipin nitong si Ken," may hiya sa boses nito kaya nagtawanan ang mga kasama niya. Nakitawa na lang din ako para hindi ko maramdaman ang pagkailang.

"Hindi naman siya mukhang masungit, president. Bakit sabi mo sa amin masungit siya?" napatingin naman ako doon sa maliit na babae na Steph ang pangalan --- sa pagkakatanda ko.

"Huy, Stephanie! Wala akong sinasabing ganyan, ah!" pagtanggi ni Atha at hindi na mapigil ang pagtawa.

Agad kumunot ang noo ko at tiningnan nang masama si Atha. Pinigilan ko rin ang sarili ko na huwag matawa. "Ikaw, ah. Sinisiraan mo pala ako sa mga kasama mo."

Nawala na ang pagkailang na nararamdaman ko.

"Lagot ka, president!"

"Huy, grabe! Hindi totoo 'yon."

Napuno saglit ng tawanan ang buong SC Office at nang mahimasmasan ay niyaya na sila ni Atha na mag-lunch break muna.

5:45 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon