Kahit mabaho ang poop nila Devan, sila pa rin ang pinakacute na babies sa buong mundo. Turn off lang yong popo nila sometimes but I love them. I can't wait to celebrate their birthday next next next month. Nine months old pa lang sila ngayon.

"Tayo na. Kanina pa tawag ng tawag ang tito Austine niyo."

"Dada, si daddy po?" Ang tanong ko kay dada nang makalabas na kami ng house.

"Susunod na rin iyon, sumuka kasi si Devin."

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang kay Dada papunta sa favorite part ko dito sa house namin. Iyong  car garage! Nandoon nakalagay lahat ng mga cars ng daddy ko. Binuksan ni dada ang Mercedes-Benz Sprinter ni daddy at pinauna kami ng pasok.

"Hoy, Elly. Wag kang makulit doon ha! Nakakahiya dito kina sir." Ang paala ni ate Kaikai kay Elly nang makapasok na kami. Karga ni ate si baby Devon.

"Yes po, ate!" Ang masiglang sagot ni Elly saka siya naupo sa gitna naming dalawa ni kuya sa pinakalikuran.

Magpapacute at magdadaldal na naman siya sa kuya ko. Kahit ang bata-bata pa ni Elly kumakarengkeng na siya.

Pagkatapos na iayos ni dada ang mga kapatid ko sa loob, sumampa na rin siya. Noong dumating si daddy ay umalis na kaaagd kami sa house namin. Si daddy ang nag-drive ngayon kasi day-off ni kuya Caloy 'yong driver namin. Gusto ko sanang tumabi kay daddy sa harapan pero ayaw akong payagan ni dada.

Pagdating namin sa house ni lola agad akong tumakbo sa nga titos and uncles ko. Every sunday ay nandito kami palagi sa house ni mamila at daddylo. Minsan nandito rin sila loloma at lolody kasama sila tito Dein and tito Chadwick. Like today nandito sila.

"Saan ang dada mo, apo?" Ang tanong ni loloma pagkatapos kong ikiss ang cheeks niya.

Lumingon ako sa likuran ko at tinuro si dada at daddy na naglalakad papalapit sa amin. Agad namang kinuha ni mamila at kuya Kirby ang mga kapatid ko.

"Janisse, where's Jaiden?" Ang tanong ni daddy pagkalapit niya sa akin.

"Nagple-play na po kasama nila Noah." Ang sagot ko sa kanya. Gusto ko na ring tumakbo papunta doon. "Pwede na ba ako mag-play, daddy?"

Tumango si dad saka ako iniwan para puntahan iyong bagong dating na bisita. I squinted my eyes and saw two familiar faces. Mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta kina kuya sa playground nang magmeet ang eyes namin n'ong isa. Ugh!

Pagdating ko kina Noah nag-hi muna ako kay Aniston bago ako humarap kay Noah. "Noah! Ano lalaruin ninyo?"

"Hide and sick." Ang simpleng sagot niya. Isa rin to! Pareho silang suplado ni kuya pero okay lang naman si Noah kasi nagsma-smile din siya paminsan-minsan at tumatawa kapag nagjo-joke ako.

"Sali ak—"

"Sali kami!" Naputol ang sasabihin ko nang may epal na sumapaw. I scrunched my nose in disgust after I saw his figure coming towards me.

"Hi," ang bati niya sa akin.

"Hello," I said in a dead tone. Noong hindi kasi ako nag-hello sa kanya kinurot ako ni dada sa gilid ko. Masakit kaya 'yon.

"Hello, Dani!" Ang bati naman sa akin ng sister niya na si Perry. Buti pa siya pretty at hindi nakakainis.

"Hi, Perry! You look pretty today." Kumaway ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kuya niya na nakataas ang kilay sa akin. My brows furrowed at the unpleasing sight of him.

"Kuya! Inaaway ako ni Gideon oh! Awayin mo!" Ang tili ko kay kuya habang turo-turo si Gideon.

"Janisse, he's older than us." Ang sabi ni kuya kaya napapadyak ako. Takot ba siya sa pangit na 'to?! Ano naman kung twelve years old na siya?

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Where stories live. Discover now