9

87.6K 2.6K 468
                                    

"Shit! Axel, alamin mo kung nasaan si Ian!" Ang apuradong utos ni Jonas sa kapatid.

Kasalukuyan nasa loob ng mansion ang buo nilang pamilya. Matapos kasi ang naudlot na kasal ng kapatid na si Ian ay dito na sila dumiretso.

"Why? Anong nangyari? What happened to Ian?" Ang nag-aalalang tanong ng kanyang ina. Suot-suot pa rin nito ang white dress na para sana sa kasal.

"I'm not sure, mom but I've heard multiple gun shots. " Pahina ng pahina ang kanyang boses habang sinasabi iyon. There's a growing pain and anxiety in his heart.

"Oh god..my son!" Ang iyak ng kanyang ina. Kamuntikan pa itong matumba, mabuti na lang at mabilis itong nasuportahan ni Nathan at Axel.

"Mom, calm down first. It's not good for your health." Pagkakalma ni Nathan sa ina at inakay ito paupo sa kanilang sofa.

"Dapat ay pinigilan ko na siyang umalis kanina. Hindi ko aakalaing hindi ito palalampasin ng mga hayop na 'yon." Ang galit na wika ni Axel habang may tinitipa sa telepono. Ang kanyang ama rin ay nagsisimula na sa agarang pagpapahanap ng anak.

"Kapag hindi niyo nahanap ang anak ko sisiguraduhin kong kayo ang hindi mahahanap ng pamilya niyo. You got that?!" Sigaw ng kanyang ama sa telepono at nagpalakad-lakad sa loob ng sala.

In the midst of worry and fear, biglang sumagi sa isip niya ang mga anak. Hindi niya alam but he felt scared knowing that his kids are not on his line of sight in this moment. Wala siyang ka alam-alam kung anong nangyayari sa kanila sa gitna ng problema.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya nag excuse muna siya sa mga tao doon. Lumabas siya ng bahay at pumunta sa may garden.

"What's the matter, Luke?" Tanony niya dito.

"Sir, masamang balita. May hostage taking na kasalukuyang nagaganap sa skwelahan nila Jaiden at Janisse. Hinanap ko sila kung isa ba sila sa mga estudyante na napalabas pero hi——."

Hindi niya pinatapos ang lalaki sa pagsasalita at tuloy-tuloy na bumalik sa loob ng bahay.

"Mom, Dad, I need to go. I have to go." Ang nagmamadali niyang paalam at halos takbuhin na ang labas ng bahay papunta sa kanyang sasakyan.

Habang nagda-drive sinubukan niyang tawagan ang numero ni Denisse. Kailan man ay hindi niya pa nagawang subukan na tawagan ito. Palaging ito ang kumukontak sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi siya tinawagan ng asawa patungkol sa mga anak. Denisse would always contact him and tell him about their children pero ni hindi man lang siya nito tinawagan para ipaalam na nasa panganib ang mga anak.

Saglit na nagring ang kabilang linya bago ito tuluyang sinagot.

"H-hello s-sino t-to?" Nanginginig ang boses nito at halata na umiiyak ito.

Hindi ba't nakasave ang pangalan niya sa contacts nito?Bakit kailangan pa nitong tanungin ang kanyang pangalan?

"It's me, Jonas." Sagot niya dito at kumaliwa. He broke a few rules dahil sa labis na pag-aalala.

"Jonas! Oh god! Jonas, nasa loob sila Jaiden at Janisse. Hindi nila magawang makalabas d-dahil k-asama nila a-ang mga hostage taker. W-what should I do, Jonas? Natatakot ako." Iyak nito sa kabilang linya. He felt a stinging pain in his heart. Ramdam niya ang takot nito.

He can't understand himself. Dapat ay wala siyang paki sa kanila. Sila ang rason kung bakit hindi niya magawang pakasalan si Shanice. Sila ang dahilan kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa ama. Sila ang dahilan kung bakit nabali niya ang pangako ng kanyang ama at lolo. They are the reason why his position is in trouble.He's afraid that people would judge him for marrying a guy. Kahit legal na ang same sex marriage hindi pa rin ito lubusang natatanggap ng mga tao ang ganitong uri ng relasyon. He's also straight.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon