30

92.7K 2.8K 1K
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

Naalimpungatan ako paggising ko nang marinig ang isang pamilyar na ringtone, hudyat ng isang paparating na tawag. Kinapa-kapa ko iyong lamesa sa gilid at kinuha mula doon ang cellphone ko.

Kahit ayaw ko pang imulat ang mata ko, wala akong choice kundi gawin iyon. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Henry lang pala. Babalik na sana ulit ako sa pagtulog nang mag-sink in sa utak ko ang nakaregister na pangalan. Mabilis kong kinuha ulit ang cellphone at tiningnan ang pintuan ng cr. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala doon si Jonas.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Henry habang nakamasid ng maigi ang mga mata ko sa pintuan.

"Hello, Den? Mabuti naman at naisipan mo ng sagutin ang tawag ko." Ang bungad nito sa akin na ikinatawa ko.

"Good morning rin, Henry." Ang sagot ko dito na tinawanan niya ng malakas.

"Open your skype, video call tayo." Ang natatawa niyang sabi bago pinatay ang tawag.

Nagmamadali kong kinapa ang sarili ko kung may suot ba akong damit at ng mapag-alamang wala ay mabilisang tumayo. Pinagsisihan ko iyong huli. Malakad akong napadaing nang kumalat sa buo kong katawan ang sakit ng bewang ko. Matapos ang isang linggong pagtitiis ng malandi kong asawa, buong magdamag lang naman niya akong hindi pinatulog.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa closet na pinaglalagyan ng mga damit ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala ang mga ito doon. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga nilabhan kong damit na nakatambay sa kwarto ng mga bata. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at minatahan ang mga t-shirt ni Jonas. Wala naman sigurong masama kung manghihiram ako nito di ba? Ako naman ang naglalaba.

Kumuha ako ng t-shirt doon at boxers ko. Hindi na ako nagtaka kung nagmunukha akong hanger dito sa suot ko. Kilaking tao ba naman ang may-ari nitong damit. Bumalik ako sa higaan namin at buong pag-iingat na naupo doon. Binuksan ko ang application na skype saka tinanggap iyong video call request ni Henry.

"Bobiiii! I miss you so much. Bakit ang tagal mong gumising at sumagot?" Ang agad na bungad niya at ngumuso pa talaga sa screen. Napatawa na lang

"I miss you too! Saka anong matagal it's still..." tiningnan ko ang screen ng cellphone at napanganga nang makita ang oras. Tanghali na!

"Masyado ka bang pinagod ng asawa mo?" Ang nakangisi niyang tanong sa akin na naging dahilan para maging kamatis sa pula itong pisnge ko.

"H-Hindi ah! Saka paano mo naman nasabi 'yan?" Ang kinakabahan kong tanong dito. Ganoon ba ako ka-obvious?

"Paano? Eh kitang-kita ko yang mga chikinini sa dibdib at leeg mo and your lips are swelling as well." Ang pagpuna niya kaya agad na dumapo ang isang palad ko sa aking leeg at nahihiya iyong hinimas.

"So, what's the real deal between the two of you? Tuloy pa ba ang divorce or nuh?" Ang pangiintriga pa niya.

I heaved out a sigh at saglit na tumahimik. Actually, hindi ko rin alam ang siguradong isasagot kay Henry. Nagdadalawang isip at naguguluhan ako sa divorce na'to. They way Jonas is treating me and the kids, it doesn't look like we're heading for a divorce.

"He has redeemed his role as a father to our chilren and..." saglit akong natahimik bago nagpatuloy sa pagsasalita,"as my husband?"

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon