13

100K 2.7K 620
                                    

Denisse Gonzales

"Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito kana, Henry." Ang nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.

"Bobi, dalawang araw na nga tayong nagkikita hindi ka pa rin makapaniwala?" ang natatawang tanong niya sa akin habang inaayos ang mga gamit ni Jaiden.

Ngayong araw na kasi kami uuwi. Kakaalis lang ng medical team matapos magbigay ng mga paalala at kaalaman katulad ng medical condition nila Jaiden at Janisse. Nag instruct rin sila sa foods and drink, exercise, and activities na kailangan iwasan lalo na kay Janisse.Matapos ang medyo mahaba-habang diskusyon kasama ang mga doctor nagsimula na kaming mag-impake kasi mamayang alas tres ng hapon na kami lalabas.

Alas dos pa naman ng hapon kaya naglinis at nagligpit nalang kami habang natutulog pa sila Jaiden at Janisse.

"Den, paano naman 'yong sinabi ng Juariz na 'yon sayo?" Napatigil ako sa pagwawalis ko ng marinig ang tanong sa akin ni Miggy.

Totoo man 'yong sinabi niya o hindi wala naman akong balak sumama sa kanya. I had enough of his bullshits. Gusto ko nalang matutukan ang well-being ng mga anak ko.

"We're going home with you guys. Doon kami uuwi sa inyo ni Miggy." Sagot ko dito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Mabuti naman at natauhan ka na rin. Finally! After eight long years, Bobi. Bahala nang mabawasan ang quality time namin ng hubby ko basta hindi ka na nagpapakatanga sa lalaking 'yon." Aniya at ngumuso pa sa direksyon ni Miggy na nakangiting dinampian siya ng halik sa labi. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanilang dalawa.

Yes, Henry and Miggy are in a relationship since college palang kami. Hindi naman malambot ang galaw ni Henry but when it comes to Miggy para itong teenage girl kung kiligin noong college. Mukhang hanggang ngayon rin naman ay ganoon pa din ito kay Miggy. Dahil sa kanila umaasa rin akong may magmamahal sa akin ng katulad ng sa pagmamahalan nila. Kahit hindi na si Jonas, alam ko namang wala na akong pag-asa doon.

"Thank you so much sa inyo, Hen. I don't really know where I would be kung wala kayo, lalong-lalo na si Miggy." Ang sinsero kong pasasalamat sa kanila. Kung hindi siguro dumating noon si Miggy baka patuloy pa rin ako sa pagpapakatanga kay Jonas.

"You're always welcome, Bobi. Sana sumama ka na sa amin papuntang America."

"Iyon nga sana ang plano ko. I'd like to go to states pagkatapos maayos ng divorce namin ni Jonas. The earlier the better sana." Buntong hininga ko.

"Unfortunately, you have to wait for two months before it happens." Lahat kami ay napalingon sa may pintuan.

Prenting naka sandal si Jonas doon habang sarkastikong nakangiti sa amin--sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito, Jonas? Hindi ba't dumating ang mga magulang mo at si Shanice kanina?" Ang kinakabahan kong tanong ko dito. I want to be brave pero nakakapanghina talaga pag ganitong uri ni Jonas ang kaharap ko.

"Are you seriously asking me that, Denisse? I'm here to bring you back home. Sa bahay natin at hindi sa lalaking 'yan." Dumapo ang paningin nito kay Miggy na nakaupo katabi sa natutulog na Janisse.

Dahan-dahang tumayo si Miggy mula sa pagkakaupo. Naglakad ito palapit kay Jonas at nakangiting binati ito.

"Nice to meet you Governor Narcido Jonas Juariz. I heard a lot about you." Inilihad ni Miggy ang kamay niya dito pero tiningnan lang ito ni Jonas at nilagpasan. Dumiretso ito sa kama ni Janisse, malapit sa amin.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Where stories live. Discover now