"Naligo na ba kayo ng kuya mo, nak?" Ang tanong ni dada sa akin.

"Yes, po, dada! Pero magliligo ako ulit kasi feeling ko kumapit po yong amoy nila sa akin."

My dada rolled his eyes at saka tumawa. "Ang arte mo, eh same lang naman kayo noong baby kayo ng kuya mo. Saka you have to know how to clean your siblings, 'di ba nagpromise kayo ng kuya mo kay daddy na tutulungan niyo akong magalaga sa mga kapatid niyo?"

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni daddy. "I can help you with anything, dada, basta wag lang yong mag-clean sa poop."

"Oo na po, señor. Sige na, maligo ka na sa room mo at magpalit ng damit para makapunta na tayo sa bahay ng lola mo. It's already 10:30. We're supposed to arrive at eleven. Daddy mo kasi." I could barely hear the last part kasi humina 'yong boses ni dada.

"Nagjugjugan po ba kayo ni daddy, da?" Ang curious kong tanong kahit alam ko naman ang answer. Aside from teasing my daddy gusto ko rin i-tease paminsan-minsan si dada. Ang cute niya kasi sometimes. Pero palagi niya akong pinapagalitan pagkatapos.

"Jugjugan? What do you mean?" My dada's eyebrow rose up.

"Yes, dada! Jugjugan. Sex po."

Napatigil si daddy sa paglalakad at namumula ang mukhang napatingin sa akin. "You're so not going to talk to Austine ever again."

Tumawa ako ng malakas saka tumakbo papunta sa room ko. Mabilis akong nagpunta sa bathroom at naligo. I know how to take a bath by myself kasi tinuruan kami ni dada. And walang pwedeng maghelp sa amin kung di kami lang. Saka busy na rin ang dada ko sa mga kapatid ko. Gusto sanang kumuha ni daddy ng maids and yayas pero ayaw ni dada. Kaya kaunti lang ang maids dito. May dalawa lang kaming maids, si nanay Pia at si ate Kaikai. Hindi sila nakatira dito, may house rin sila dito sa vilage. Gift nila dada at daddy. Kasama nila palagi si Elly.

Si Elly iyong may crush kay kuya. Friends kami n'on saka classmates rin. Pinaaral siya ni dada sa school na pinapasukan namin ni kuya rin. Siya '
yong bestfriend ko. 

Pagkatapos kong magchange ng clothes, nag-clean muna ako saglit ng room ko kasi baka hampasin na naman ako ni dada ng hanger. Nakakalimutan ko kasi madalas magclean ng room ko kapag nanonood ako ng TV sa sala. Kahit hindi naman gaano malakas humampas si dada masakit pa rin.

"Elly!" Tumakbo ako papalapit kay Elly at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Cute na ba ako, Janisse? Sinuot ko 'yong bigay mong damit sa akin."
Ang tanong niy saka nagpaikot-ikot sa harapan ko.

"Yes, Elly! Kabog na kabog!"

Pero hindi niya pinansin ang comment ko kasi dumating na si kuya.  As always poker face na naman siya. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang kuya, hindi naman siya kinulang sa aruga. He's very suplado and unapproachable.

"Good morning, Jaiden!" Ang masayang bati ni Elly kay kuya.

"Morning." Ang walang ganang bati ni kuya saka ito naupo sa sofa at nagbasa ng book niya na tungkol sa math.

I understand it rin naman kasi tinuturuan kami minsan ni daddy tuwing study time pero I'm not interested. I like talking about cars, countries, histories and learning new languages.

"Ready na kayo? Jaiden, stop reading muna, kuya. Iyang mata mo." Napatingin kami kay dada na karga si baby Devan. Humihikab ito sa mga bisig ni dada.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Where stories live. Discover now