Chapter Sixteen

1K 62 1
                                    

"I WANT TO be alone for a while when I need to think. Madalas doon ako sa race track ni Tito Victor pumupunta. Kasi doon, tahimik, parang malayo sa magulong mundo na ginagalawan ko."

Iyon ang naalala ni Regine na sinabi noon ni Maceo sa kanya. Ang race track na sinasabi nito ay matatagpuan sa Batangas, at alam niya kung saan eksakto iyon. Doon sila nagpa-practice ni Yelena ng car racing minsan. Sinubukan ni Regine na tawagan si Maceo pero unattended ang phone nito. Dalangin niya na tama ang kanyang hinala. Matapos nilang mag-usap ni Nigella kanina, biglang naliwanagan ang isip niya. She wants to see him, kung puwede nga lang mag-teleport, ginawa na niya.

"Hintayin mo ako, Maceo," bulong niya habang nagmamaneho.

Makalipas pa ang isang oras. Sa wakas ay nakarating na si Regine sa race track. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakaparada sa parking area ang kotse ni Maceo. Agad gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Tumakbo siya papasok sa race track, dahil kilala na siya doon. Ngumiti agad ang security guard sa kanya.

"Boss, nasaan si Maceo?" tanong niya.

"Nandoon po sa loob, Ma'am."

"Sige po, Salamat."

Tumakbo siya papasok at mabilis na hinanap ng kanyang mga mata si Maceo. Natigilan si Regine ng makita na nasa loob ng racing car ang kanyang hinahanap. Naglakad siya palapit dito, huminto lang si Regine ng sa wakas ay lumingon ito. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito pagkakita sa kanya. Bumaba ito ng kotse ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Regine, paano mo nalaman nandito ako?" tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Ah, let's just say I know you enough, para malaman ko kung saan ka pumupunta kapag magulo isip mo," sagot niya.

Nilapitan niya ang kotse at binuksan ang hood niyon para tingnan ang makina.

"Is this in good condition?" tanong pa niya.

Marahan itong tumango. "Katatapos lang 'yan tingnan ng mekaniko kanina nang dumating ako dito," sagot ni Maceo.

Lumingon si Regine sa mga mekaniko na ginagawa naman ang isa pang racing car.

"Kuya, pwede ba namin i-test drive 'to?" tanong pa niya.

"Sige Ma'am, maganda na kondisyon n'yan!" sagot nito, sabay bato ng susi sa kanya. Nasalo niya iyon.

"Wanna go for a ride?" tanong niya paglingon kay Maceo.

Ngumiti ito saka tumango.

"Dad said, magaling si Tita Panyang sa car racing. And I saw her drive once, grabe ang hanga ko kay Tita simula noon. Tingnan natin kung mana ka sa Mommy mo," panghahamon nito sa kanya.

"What will I get if I impress you?"

Nakangiting nagkibit balikat ito, pagkatapos ay sumakay ito sa passenger's seat. Tinali ni Regine ang buhok, bago sila nagsuot ng helmet. As soon as she starts the car, Regine stepped on the gear. Umalingawngaw ang ingay ng kotse sa buong race track.

"Ready?" tanong niya.

Napangiti siya ng makitang kumapit ng mahigpit si Maceo. Nang mag-thumbs up ito, bigla niyang pinasibad ng mabilis ang kotse. Natawa siya ng sumigaw ng malakas si Maceo. Her adrenalin rush rises, as she drove fast. Matagal na siyang walang practice dahil busy sa school at sa mga duty niya sa Love Confessions Society. Ngunit ngayon na nasa likod na siya ng manibela, na-realize ni Regine kung gaano niya na-miss ang car racing. And what's more fun about it, nasa tabi niya si Maceo. Screaming, shouting and laughing his heart out. Para bang wala itong pinagdadaanan. Kung puwede lang tangayin ng malakas na hangin ang lahat ng problema nito. Hindi niya alam kung nakailang laps sila pero ng makaramdam ng pagod ay hininto na lang niya sa gitna ang kotse.

Love Confessions Society Series 4: Maceo Luciano (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now