Chapter Seven

1.2K 78 8
                                    


ANG PROJECT na ginagawa nila ni Ryan ay ang magsisilbing Midterms exam nila. Kaya nakasalalay sa mga kamay nila ang magiging grades, that's why they are taking it seriously. Pagdating sa library, agad nilang sinimulan ang research. Hanggang sa hindi na nga nila namalayan ang oras dahil sa dami ng ginagawa. Kung hindi pa siya aksidenteng napasulyap sa relo, hindi niya malalaman na pasado alas-nuwebe na ng gabi. Kaya tuloy nagmadali sila bigla ng pagliligpit at agad na umuwi. Hindi na rin nila naisip na kumain, dahil baka pagalitan sila ng Daddy niya kapag sumira sila sa napag-usapan oras ng pag-uwi.

"Thanks, Ryan."

"You're welcome. Thanks din, and masaya ako na ikaw ang ka-partner ko dito sa project natin," sabi ng binata.

"Talaga ba? Baka mamaya napilitan ka lang," biro pa ni Regine.

Bahagyang natawa si Ryan. "Of course not, you have no idea how much I want to be close to you. Wala lang akong makitang pagkakataon para lapitan ka," sagot nito.

"Ano ka ba? Approachable naman ako," sabi pa niya.

"I know. But I don't dare to try as much as I want to," anito.

"Bakit naman?"

Hindi agad ito nakasagot. Sa halip ay para itong nahihiya, dahil tumungo ito at parang namumula ang mukha.

"Okay, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I want to take this chance, ngayon kasama na kita," sabi pa nito.

"Okay," aniya.

Tumingin ng deretso sa kanya si Ryan.

"I like you, Regine. Noon pa. Actually, one-year na. I love your wittiness; I like the fact that I always see you laughing and smiling. Parang ang gaan lang ng lahat para sa'yo. I always want to ask you out, pero hindi ako makadiskarte, dahil alam ko

na si Maceo ang gusto mo," pag-amin nito.

Napipilan si Regine. Hindi niya inaasahan ang biglaan pagtatapat ng damdamin ni Ryan. He knew him since her freshman days in College. Kilala lang niya ito sa pangalan, nakakausap at nakakakuwentuhan minsan, pero hindi sila nito personal na magkakilala. She remembers, she always caught him looking at her. Pero hindi naman niya akalain na may ibig sabihin na pala ang tingin nito. Hindi naman siya nakaramdam ng pagkailang. Sa katunayan, she felt flattered.

"Ryan, I... didn't know."

"You always had your eyes on Maceo. Alam ko naman eh, everyone in the campus knows how much you like him. Paano ako makikipag-kompetensiya kung alam ko na sa simula pa lang wala akong pag-asa. Pero kanina, I saw my chance and I want to try, Regine. Gusto kong manligaw sa'yo. Kung kailangan kong humarap sa mga magulang mo, gagawin ko."

"Look, hindi ko alam. I mean, nabigla ako sa sinabi mo," aniya.

Ngumiti ang binata sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mag-confess sa'yo. Matagal ko ng dala itong nararamdaman ko para sa'yo," anang binata.

"It's okay."

Napatingin siya sa kamay niya ng hawakan iyon ni Ryan.

"If you will just look around, Regine. May ibang kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo. Hindi iyong ikaw lang ang nagmamahal. Iyong kayang mas higitan ang pagmamahal na kaya mong ibigay. Someone can make you like a princess," sabi pa ni Ryan.

Love Confessions Society Series 4: Maceo Luciano (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now