Chapter Thirteen

955 62 0
                                    

"LCS MEMBERS, Jun's confession to Chinnie will happen this weekend, Saturday. Seven PM at LCS Hide out. Meeting will be held later, eleven PM," anang text message ni Regine.

Agad nagreply si Maceo.

"Regine, let's talk."

Naghintay siya ng sagot mula sa dalaga. Pero mahigit limang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siyang natatanggap.

"Hindi magre-reply 'yon," sabi pa ni Hajime.

Napalingon siya dito. "Huwag kang magulo," saway niya.

Napabuntong-hininga siya. It's been four days, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ni Regine. Tinotoo nito ang sinabi, talagang hindi na nga siya nito pinapansin. And it hurts so much every time she ignores him. Napalingon siya kay Ren ng tumabi ito sa kanya at umakbay.

"Kung bakit ba naman kasi ganoon ang ginawa mo. Alam mo, pare? Kung hindi lang kita best friend, baka sinapak na kita sa ginawa mo sa kapatid ko. Kahit sinong babae magagalit, nilayasan mo sa kalagitnaan ng date n'yo, apat na oras mong pinaghintay na walang kahit na anong tawag o text. Natural magagalit sa'yo, alam mo naman na bad shot ka pa sa utol ko," sabi pa ni Ren.

Napalingon sila ng lumabas si Olay at binigyan sila ng tig-iisang maliit na bote ng softdrinks.

"Oh, eto magpalamig ka muna ng ulo at ng sitwasyon. Kapag pinilit mo si Regine, lalo 'yang aalpas, lalo kang hindi papansinin n'yan," sabad ni Olay.

Muli siyang humugot ng malalim na hininga.

"I'm going crazy, Tito Olay. I'm trying my best, but the more I prove to her what I feel for her is true. I felt like, the more she's drifting away from me. Lalo na kapag nakikita kong kasama n'ya 'yong Ryan na iyon, pakiramdam ko kahit anong oras ay tuluyan siyang maaagaw sa akin," sabi pa niya.

"Anak, kung ganon naman pala. Stop doing anything, pabayaan mo siya, just let her go for a while. At magtiwala ka sa pagmamahal mo sa kanya. At maniwala ka sa pagmamahal niya sa'yo. Dahil ang totoong pag-ibig ay hindi parang bula na lang na mawawala. Kahit anong iwas mo, kahit anong tanggi mo, love will stay in your heart. It takes a lot of time to fade away, sometimes, it takes more than a lifetime. It even takes forever," payo ni Olay.

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Thank you, Tito Olay. I really appreciate that," sabi niya.

"Pare, I'm really sorry. Hindi ko alam na magiging malaking problema ninyo ang nangyari. I was supposed to pick her up, pero naipit ako sa schedule ng klase ko, kaya hindi ako nakaalis agad para puntahan si Nigella," sabi pa ni Channe.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Naniniwala ako na magiging maayos din ang lahat sa amin ni Regine," sabi ni Maceo.

"Just tell me if you need help. Ako or kami ni Nigella ang kakausap kay Regine," sabi pa nito.

"Thanks, pare," aniya.

"Hang in there. Ganyan talaga ang kapatid ko kapag sobrang nasasaktan. She can be as cold as ice. Kung gaano siya kakulit gaya ng Mommy ko, ganoon naman siya kalamig gaya ni Daddy kapag nagagalit at napupuno," paliwanag ni Ren.

Na-stranded si Nigella sa gitna ng EDSA ng tuluyan bumigay ang kotse nito na dapat sana ay dadalhin nito sa talyer. Gaya ng sinabi ni Channe, ito dapat ang gagawa niyon pero dahil biglang nag-adjust ang schedule ng klase nito kaya hindi agad nakaalis ang kaibigan niya. Dahil naka-schedule na ng araw na iyon na gawin ang kotse ni Nigella, napilitan ang dalaga na dalhin mag-isa ang sasakyan. Ngunit hindi na umabot ang kotse nito at sa mismong gitna ng highway namatayan ng makina.

Love Confessions Society Series 4: Maceo Luciano (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now