Chapter Five

1.3K 69 9
                                    

          AAMININ ni Maceo, once in his life, he took her for granted. Hindi niya napapansin noon si Regine dahil girlfriend niya ng mga panahon na iyon si Nigella. Sa kabila ng pagkakaalam niya na may gusto sa kanya ang dalaga, hindi niya sineryoso ito. Knowing her, Regine always joke and play around, she's very bright, lively and love to make the people around her happy. She mostly acted like a fangirl everytime she sees him. Kaya naman hindi niya pinansin ito ang sa tuwing nagpapahayag ng nararamdaman.

When he broke up with Nigella, si Regine ang unang taong tumakbo sa tabi niya para pakinggan at damayan siya. That's where he started to know her deeply, at naging personal na rin ang pagkakaibigan nila. Pero hindi pa rin pumalya ang dalaga sa pagsasabi ng damdamin nito sa kanya. Kahit madalas ay dinadaan nito sa biro.

When he first announced his hiatus, kasabay niyon ay nagbakasyon din si Nigella. Sa pananatili niyang muli sa Tanangco, naging madalas silang magkasama ni Regine sa pamamagitan ng Love Confessions Society. Ang sikretong grupo na kinabibilangan niya, kung saan tumutulong sila sa mga gustong mag-confess ng totoong damdamin sa minamahal ng mga ito. Sa tuwing mayroon bagong love cases ang Love Confessions Society, sila ni Regine ang magkasama sa pag-iimbestiga sa background ng gustong mag-confess at sa taong makakatanggap ng confession. He found himself enjoying her company. Noon lang naranasan ulit ni Maceo na maging masaya, sa piling ni Regine. Dito niya nakilala ng mas malalim si Regine, what she's like behind that crazy and funny girl. Maceo realized there's no dull moments when he is with her. Nakakalimutan niya ang stress sa career at mga issue na binabato sa kanya sa tuwing naririnig niya ang tawa ni Regine. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sarili na hinahanap ang presensiya ng dalaga. Hindi na rin namalayan ni Maceo na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa dalaga. At nakumpirma lang niya iyon noong araw na pumunta sila sa Amusement Park at pagkaguluhan at dumugin sila sa mall ng mga tao. He supposedly goes with Nigella para hindi makahalata ang mga fans na nagpapanggap na lang sila na may relasyon. Pero sa huling sandali, nandigan si Maceo. Kung lalabas siya ng mall na iyon, si Regine at wala ng iba ang nais niyang makasama. And it happened, ang dalaga ang hinila ng maghiwalay ang grupo nila.

Ngunit dahil sa nangyari, lalong lumakas ang spekulasyon ng mga tao sa totoong estado ng relasyon nila ni Nigella. Bukod doon, may mga nakakuha ng larawan niya at ni Regine na nagkasama, na sa unang tingin ay makikita ang sweetness nila. May larawan na hawak niya sa kamay ang dalaga, nakaakbay siya at kung anu-ano pa. Kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa, alam ni Maceo na may iba sa pakikitungo nilang dalawa ni Regine sa isa't isa. Something special, and too hard to express through words.

Kasagsagan ng issue sa kanila ni Nigella, isang katotohanan ang nalaman nilang lahat. Ang kaibigan niyang si Channe pala ang nasa likod ng pinaka-kilalang basher ng dating girlfriend. Hindi lang si Nigella ang naapektuhan sa pangba-bash nito, maging siya, at sa kabila ng naging dating relasyon nila. Nagalit din siya kay Channe dahil alam niya ang pinagdaanan ni Nigella sa tuwing nasasaktan ito sa mga bash sa dalaga. Sa komprontasyon nila ni Channe, nakapagbitaw siya ng salitang hindi niya napag-isipan ng mabuti at labis na nakaapekto kay Regine. Tinalikuran niya ito para ipagtanggol ang dating girlfriend. At hindi niya alam na labis na masasaktan ang dalaga.

He was about to confess to her, pero nakalimutan niya iyon lahat matapos malaman ang mga ginawa ni Channe. Dahil din sa issue, kinailangan putulin ni Maceo ang dapat sana'y bakasyon niya. Tumanggap ng project ang manager niya sa South Korea, isang sixteen-episode na romantic-comedy drama, para sa ganoon ay ma-divert ang atensiyon ng mga tao sa new project niya. Pagkatapos ay nagkabi-kabila ang mga guesting niya sa mga shows sa South Korea at dito sa Pilipinas para i-promote ang drama. At nakatulong iyon para unti-unting mamatay ang issue sa kanila.

Sa kabila ng success na natamo niya, sa mataas na ratings ng drama, ang naging kapalit niyon ay ang paglayo ni Regine sa kanya. Parang dinurog ang puso ni Maceo ng marinig ang confession nito. She already gives him up. She doesn't want to love him anymore. All these times, hindi niya alam na ganoon na pala kalaki ang epekto sa dalaga ng mga nangyari. And it's all his fault, for being irresponsible, and being insensitive.

Love Confessions Society Series 4: Maceo Luciano (Tanangco Boys Batch 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang