Chapter Two

1.2K 76 9
                                    

"SO, ARE YOU really back for good?" tanong sa kanya ni Adam, sabay inom ng softdrinks mula sa baso nito.

"This time, yes," sagot ni Maceo.

"Tuloy na ang naudlot mo na hiatus?" tanong din ni Dawson.

"Ganon na nga," sagot ulit niya.

"Baka naman kapag nagkaroon ka ulit ng issue bigla ka na naman tatanggap ng project sa Korea?" tanong naman ni Ren, ang nakakatandang kapatid ni Regine.

Anak ito ng mag-asawang Rene Roy at Panyang Cagalingan.

"Siniguro ko na sa Manager ko na hindi, whatever happens, itutuloy ko na 'to. Nagagalit na rin sa akin si Mommy," sabi pa ni Maceo.

Napalingon sila ng dumating si Makaio at Page, dala ang tray ng pagkain. Lunch break nila ng mga sandaling iyon at naroon sila sa canteen.

"Pare, wala ka bang napansin kay Regine?" tanong ni Page, anak ito ni Karl Servillon na may-ari ng billiard hall at restaurant doon sa Tanangco. Kilala rin ang pamilya nito dahil sa negosyo nitong car wash doon sa lugar nila, at pag-aari ng mga nito ang Mondejar Car Incorporated.

Napaisip si Maceo. "Bakit may nag-iba ba?" tanong din niya.

"Kailan pa naging normal ang kapatid ko?" sabad ni Ren.

"Hindi 'yon! Hindi ka pinansin ni Regine kanina ah," sagot ni Makaio, ang panganay na anak ni Doc Ken at Myca Pederico.

Napaisip ulit siya.

"Oo nga, no?" sabi pa niya.

Lumingon siya kay Ren. "May problema ba siya?" tanong niya.

Nagkibit-balikat. "Wala naman sa pagkakaalam ko, maingay sa bahay eh," sagot ni Ren.

"Maingay? Hindi ba baliktad? Dapat kapag may problema mas maingay?" nagtatakang tanong ni Hajime.

"Pare, sa bibig lang ni Tita Panyang at Regine, normal sa kanila ang maingay sa normal na araw. Kapag natahimik ang bahay nila Ren, tiyak may pinagdadaanan ang pamilya nila," paliwanag ng second cousin nitong si Steven, na anak ng kilalang negosyante at pioneer sa high-tech gadget manufacturing, si Archie Dhing Santos.

"Very well said, Salamat pinsan!" komento ni Ren, pagkatapos ay nag-high- five ang mga ito.

"Pero hindi nga, dineadma ka ni Regine?" nagtataka din na tanong ni Ren.

Noon lang niya naisip ang naging reaksiyon ng dalaga ng makita siya. Yes, literal na hindi siya pinansin ni Regine. Hindi naman sa nag-e-expect si Maceo na tatakbo ang dalaga palapit sa kanya at yayakapin siya sa katuwaan. But Regine always give him a warm welcome every time he goes home, pero hindi niya naramdaman iyon ngayon. And he kind of misses the sweet and funny Regine he always knows.

Is it because of what happened? Hindi naman siguro, sabi pa niya sa sarili.

"Baka naman busy lang siya, nagmamadali kanina ng nilapitan ko. May gagawin daw siyang tula," sagot ni Maceo.

"Tula?!" gulat na ulit ni Ren.

"Oo, tula."

"Kailan ba natutong magsulat ng tula 'yon?" nagtatakang tanong ni Ren.

"Ewan ko doon, basta sabi niya kailangan daw niyang sumulat ng tula," sagot ni Maceo.

"That's something new, mabuti nga iyon na may nadi-discover siya na bagong talent," komento naman ni Dawson.

Love Confessions Society Series 4: Maceo Luciano (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now