Kabanata 5

17 3 3
                                    


"Bes! Dito tayo dali! Bilis!"

Para akong alon na nagpapatangay kay Shienna habang sinusuyod namin ang buong gymnasium. Hatak hatak niya lang ako na parang doll na gusto niyang itapon sa kung saan.

"This is it! Magsisimula na ang band performance, bes!" maligaya niyang sigaw.

Nilibot ko ang buong paligid. Sobrang daming estudyante! Nahihilo ako dahil sa sari-saring mukha at amoy ang nadadatnan namin.

Biglang sumulong si Shienna sa loob ngunit may humarang kaya hindi ako nasama. I'm on my mind to go with her when my phone suddenly rings. Kailangan ko pang lumayo para marinig at makitang maayos kung sino 'yon.

"Babe? Asa'n ka?" narinig ko ang boses ni Errol.

Nakahinga ako nang maluwag. "Nasa gym ako, Errol. Ikaw? Kamusta ka?" I tried not to sound so concern when I'm almost to it.

"Okay lang naman ako. Diba ngayon ang band performance? Nandiyan ka ba dahil sa bandang 'yon?" aniya. Rinig ko ang kaonting inis do'n.

I swallowed my saliva. "Oo, babe. Pero sandali lang naman ako, I'm with Shienna don't worry, okay?" 

Rinig ko ang buntong-hininga niya. "Can I go there? I miss you."

Napangiti ako. Akala ko talaga ay magagalit siya!

"Oo naman! Saan ka ngayon? Puntahan kita —"

"I'm here."

Napalingon ako sa likod nang tumambad siya sa'kin. Naka-pang PE uniform siya. Todo ngisi ang bumalot sa mukha niya.

"Ewan ko talaga sa'yo!" inirapan ko siya.

He's observing me all this time! Damn! Hindi ko man lang nahalata!

"Naku, ikaw itong may utang sa'kin babe. Naku ikaw talaga." aniya at natawa.

Niyakap niya ako mula sa likod. Ramdam ko ang pawis niya ngunit hindi ko 'yon pinansin. Ngayon pa kami nagkita simula no'ng sa canteen kahapon!

"You like their band too, huh?" aniya habang nakaakbay ang kamay sa'kin.

Umiling ako. "Hindi nila ako fan, pero nagustuhan ko ang music nila. Worth watching." I smiled.

Nagtaas siya ng kilay. "Ows? Music lang? Hindi 'yong singer —"

Bago pa siya magpatuloy ay kinurot ko na ang tagiliran niya. "Hoy! Never ever!"

"Subukan mo lang kasi naku, malilintekan sila sa'kin." sabi niya. Natawa ako.

"Ang yabang mo babe. Eh payatot ka naman eh. Pa'no 'yon?" lumugwak ang tawa ko nang makita ang reaksyon niya.

"Don't worry babe. Magpapalakas pa'ko ng katawan para wala nang makapanakit sa'yo."

"Hoy ang oa mo!" sabi ko.

"Anong oa ka diyan? Totoo 'yon babe!" aniya.

"Totoo mo 'yang mukha mo! Tara na nga! Sa library tayo." anyaya ko na lamang.

"Ows? 'Di ka magpapatuloy sa panonood?" tanong niya bigla.

"Ikaw naman sadya ko babe, eh." sabi ko.

"Aysus! Pinapakilig mo'ko ha! At dahil diyan, pupunta tayong library!" aniya kaya todo tawa ako.


Maingay pa rin naman ang gym kahit pasado ala una na. Makikita pa rin naman ang mga nagkukumpulang estudyante pero 'yong mismong banda ay hindi na. I'm just curious, nando'n rin kaya si Fierro? It's saturday, later pa ang schedule ko para sa kaniya. He didn't text me if matutuloy pa ba ang pagturo mamaya. If he's with band, surely not.


The Cries of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon