Kabanata 3

26 3 5
                                    

[ ang ilang quotes po ay nakuha ko sa movies na napanood. Bear with it. Thanks! :) ]

"Ang hirap talaga kapag hindi magaling sa English eh."

Sinundan ko si Shienna na naglalakad papuntang locker room para kumuha ng tuwalya. Buong pawis akong sumasabay sa kaniya dahil heto na naman siya, nag-iisip ng kung ano.

"Hindi required ang magaling, bes. Ang kailangan, marunong. 'Yon dapat goal mo." huminto kami sa locker namin. Magkatabi lang kasi.

"Eh ayaw ko sa goal na'yan." aniya.

Natawa ako agad. "Hoy! Pa'no ka matututo niyan?"

Pinunasan ko ang mukha dahil puno ng pawis. Galing kami sa gym dahil PE ngayon. Nakakaginhawa kapag nagpapawis ka. Halatang kailangan ng katawan natin ng ehersisyo.

"Ay bahala na si batman. 'Di naman siguro kawalan kapag hindi marunong sa English diba?" she clarified.

"Nope, maraming kawalan, bes. Marami talaga." sagot ko.

Natapos kami kaya bumalik ulit sa gym. Nando'n na rin sila. Tapos na ang five minutes na break.

"Huwag kakalimutang i-stretch ng maayos ang legs. Hoy kayo diyan! Ano 'yan? Pambata?" sigaw ni sir sa mga kalalakihang hindi maayos ang ginagawa.

By partner kasi ito kaya kami ni Shienna pa rin ang magkasama. Para kaming balerina nito! Jusko!

"Oh Dillaso! Turuan mo itong si Celeste. Masyadong mabagal." ani sir.

Nanliit ang mata ko. Wait, what? Pagtingin ko ay agad bumungad sa'kin si Fierro na inis na inis kung makatingin sa'kin. Tumigil ako sa pag-stretch gano'n din si Shienna. Nakapahalumbaba ang kamay niya habang tinitingnan ako.

"Teach me." mahina niyang sambit. Sinadya niya 'yon para 'di marinig no'ng iba. Nahihiya ba siya?

"Didn't you escape again?" napatanong ako.

Hindi siya sumagot subalit nagsimula siyang gawin 'yong ginawa ko kanina. Pagtingin ko sa ibang kaklase ay nakatitig sila sa'min parang isang kriminal!

"Miss Rabroso! Dito ka kay Mr. Almandres. Sila na bahala diyan." utos ni sir. Kita ko na todo hagikhik si bes habang naglalakad papunta sa bagong partner. Nakakunot ang noo ko. What?

"Hindi mo'ko tuturuan?" nabalik ako sa reyalidad nang hinarap ako ni Fierro. Gosh. Bakit ako natulala?

Nagsimula na lamang ako sa pag-stretch ulit. Ulo muna hanggang napunta sa paa. Sinusunod niya ako. Halatang hindi siya gaanong nag-eehersisyo dahil sa bagal niya ma-catch up ang ginagawa ko. Minsan ay nasasapo ko nalang ang noo ko nang ilang minuto niya akong tingnan pero 'di pa rin nakukuha ang simpleng work out!

"Okay, stop. Stretching pa naman tayo. Next meeting will be curl ups. Leaders, come with me. The rest pwede ng bumalik sa room. May last subject pa kayo." anunsyo ni sir.

"Ah Fierro -" hindi ko natuloy dahil nakaalis na pala siya. Excited naman.

"Hoy bes! Grabe titig sa'yo ni Fierro ah!"

Iyon agad ang bungad niya sa'kin. Hindi halatang malandi si Shienna eh.

"Tahimik ka nga, bes. Baka gusto mo masapak kay Errol, bes?" tinawanan ko siya.

"Lah! Biro lang naman, eh." aniya.

Masyado pang sikat ang araw para mag last subject. Pero okay na rin 'to. Mas matagal kami kakain ng bayabas ni Errol!

Nasa room na kami pati ang kaklase namin. Nagtungo si bes sa klase niya rin. Dumating na ang professor namin ngunit wala pa rin si Fierro. Nasa'n kaya 'yon? Naku, cutting na naman.

The Cries of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon