Kabanata 64 - Para sa Bayan

996 44 47
                                    

(PAALALA, MAHABA ANG KABANATA NA ITO KAYA DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT)

Kabanata 64 - Para sa Bayan

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

-------------

Nang tuluyan ng makatakas si Catherine kasama si Donya Catalina at Luciana ay nagmadali na silang magpunta sa kampo ng mga rebolusyonaryo upang doon sila mas mapangalagaan at makasama na si Don Carlos na asawa ng kanyang Ina.

"Carlos!" ani ni Donya Catalina ng makita niya ang kanyang asawa ng sila'y nasa labas na ng kampo ng mga rebolusyonaryo, napayakap naman agad ang kanyang asawa

"Dios mio Catalina kay tagal akong nangulila sa iyo, ano bang ang nangyari sa iyo bakit bigla kang nawala?" tanong ni Don Carlos sa asawang yakap yakap niya, napaluha na rin ito sa sobrang saya dahil sa wakas ay makasasama na niya ang kanyang asawa sa loob ng mahabang panahon na nagkawalay sila.

"Isang mahabang kwento Carlos ngunit ngapapasalamat ako sa Diyos dahil mya tumulong sa akin" ng makalingon siya sa kanyang likuran ay wala na si Catherien na inaakala niyang si Victoria.

"Sino?" tanong ng Don.

"Nasa likuran ko lang siya kanina, tinulungan niya kaming makatakas mula sa kamay ng mga Monradgon" sabi ni Donya Catalina "Luciana anak nasaan na si Victoria?" hindi pa nakasasagot si Luciana ay kaagad namang nawalan ng malay dahil sa hirap na kanyang dinanas sa kamay ni Padre Velasco.

"Luciana!" sambit ng mag asawang Montecillo at rumesponde naman agad si Don Carlos at binuhat siya para dalhin sa kanila upang magamot.

Bakas sa itsura ni Luciana ang pagod, hirap at pangaaping naranasan niya kay Padre Velasco sa pananamantala sa kanyang kahinaan at puri hanggang sa pisikal na pananakit na nagbigay na napakaraming latay sa kanyang katawan at likuran.

May kasamang mga manggagamot sa loob ng kampo nila at agad itong tumulong upag alamin kung ano ang nangyari kay Luciana, labis naman ang pag-aalala ng mag asawa at pinapakalma naman ni Don Carlos ang kanyang asawa.

"Natatakot ako para sa ating anak Carlos, baka kung anong mangyari sa kanya" nagaalalang wika ni Donya Catalina.

"Huwag kang mag-alala Catalina, ipinangangako na hindi sasapitin ni Lucinana ang sinapit ng ating anak na si Louisa" sabi niya at napahinto si Donya Catalina sabay tingin kay Don Carlos na may kaba at pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin Carlos?" may kutob na tanong ng Donya.

Napaiwas naman ng tingin si Don Carlos at hinawakan ng mahigpit ni Donya Catalina ang kamay ng asawa, hindi alam ng Don kung paano niya sasabihin sa asawa na patay na ang kanilang anak na si Louisa.

"Sagutin mo ako Carlos anong ibig mong sabihin?" ani pa ni DOnya Catalina at napabuntng hininga pa si Don Carlos.

Hinawakan ng Don ang kamay ng kanyang asawa at lumayo sila upang hindi makabuo ng eksena ang kanyang asawa.

"Por dios santo Carlos ano ba sagutin mo ang aking tanong, anong ibig mong sabihin sa mga winika mo kanina?" may inis na tanong pa ni Donya Catalina, hinawakan ni Don Carlos ang salawang kamay ng kanyang asawa sabay buntong hininga.

"Patawarin mo ako Catalina ngunit wala na ang ating anak na si Louisa, hindi na niya kinaya ang mga natamo't nawalang mga dugo sa kanyang katawan noong tayo ay inuusig ni Heneral Castellano at ng mga guardia sibil" dahil sa mga narinig niya ay hindi nakapagsalita si Donya Catalina at hindi agad pumasok sa kanyang isipan ang mga sinabi ng kanyang asawa.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now