39

178 21 8
                                    


THIS IS THE LAST CHAPTER OF ANGELIC DEMON. IF YOU'RE ONE OF MY READERS WHO MADE IT THIS FAR, THANK YOU SO MUCH. MY HAPPINESS IS IN UMPTEENTH POWER RIGHT NOW. YOU GUYS ARE THE BEST!

Chapter 39

Angelus

Hindi ko alam na ganito pala kasakit pagmasdan ang taong especial sayo na unti-unting nawawala at hindi na ulit babalik.

Naiwan sa ere ang kamay ko na binitiwan ni Syete habang siya ay nilalamon ng kadiliman at nahuhulog sa bangin ng mga nagbabagang mga bato. Ilang beses kong sinigaw ang pangalan niya habang patuloy sa padaloy ang mga luhang kanina pa lumalabas sa mga mata ko.

Napapikit ako ng tuluyan at walang buhay na napaupo sa sahig. Nahihirapan akong huminga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nawasak na ng tuluyan ang buong mundo dahil sa nangyayari.

Narinig ko ulit ang malakas na tawa ni Aisthus habang lumilipad siya. Wala na rin si Crow sa paligid kaya mas lalo akong nasasaktan.

"Paano ba 'yan? Ikaw na ang susunod," mapanuyang saad ng demonyo.

Unti-unting nag-alab ang buong puso ko at nakaramdam ako ng totoong galit at pagkamuhi. Kakaibang init ang dumadaloy ngayon sa ugat ko at hindi ko mawari kung ano ito.

Dahan-dahan akong bumangon habang hinihingal na tiningnan si Aisthus. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung 'di ang patayin siya.

"You can't threaten me with that aura kid, you're just a-"

"Tumahimik ka!" Malakas na sigaw ko dahilan kung bakit natigil siya. "Tangina mong demonyo ka! Humanda ka! Papatayin kita!"

Malakas na tawa ang ipinukol sa akin ni Aisthus at napakapit pa siya sa kanyang tiyan. Lalong lumakas ang galit na nararamdaman ko dahil sa reaction niya.

Sumigaw ako ng sobrang lakas at kasabay nito ang pakiramdam na sobrang lamig at init sa aking katawan. Napaluhod ako sa lupa at napahawak sa bato. Impit akong napasigaw ulit ng may maramdaman akong masakit sa likuran ko. Parang may tumutubo na hindi ko mawari kung ano.

Natigilan si Aisthus sa pagtawa niya at gulat akong tiningnan. Lumakas lalo ang enerhiyang dumadaloy sa katawan ko pati na rin sa aking mga kamay.

Kasabay ng pangalawang sigaw ko ay ang paglabas ng dalawang malalaking pakpak sa aking likuran. Itim sa kaliwa at puti sa kanan. Nag-iba rin ang paningin ko at humaba ang mga kuko ko sa kaliwang kamay.

"Aisthus! Papatayin kita!" Sigaw ko ulit.

Unti-unting umangat sa ere ang katawan ko kasabay ng pagaspas ng dalawa kong pakpak. Lalong nanlaki ang mga mata ni Aisthus dahil sa liwanag na nagmumula sa akin. Isang itim at isang puting liwanag.

"Finally! Nag-ibang anyo ka na!" Natutuwa niyang sabi. "Pwedeng-pwede ka ng maging kanang kamay ko!" Aniya sabay tawa.

"Pinatay mo si Syete at Crow! Pinatay mo sila!"

"Oh no, dear. Wala akong pinatay. Nilinis ko lang ang kalat sa paligid para hindi masira ang mga plano ko. Look at you now! Isa ka ng ganap na mediocre!" magiliw niyang sagot.

Sumigaw ako ng sobrang lakas at unti-unting nagkaroon ng bilog na puting apoy sa kanan kong kamay. Tiningnan ko ng mabuti si Aisthus bago ko ito ibinato sa kanya. Gulat siyang umilag kaya tumama ang apoy sa bato at nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag bago ito sumabog.

Manghang-mangha ang hitsura ni Aisthus at sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"Anong nangyayari dito!?" Ani ng isang boses ng babae sa likuran namin.

Angelic Demon (Darker Series #1)Where stories live. Discover now