5

279 50 4
                                    


Chapter 5

Angelus

Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin paglabas ko ng Burger Queen.

Hindi agad ako nakaalis dahil dumami ang customers at wala pa ang night shift na staffs para pumalit sa amin. Naglakad ulit ako sa mahabang daan papunta sa bahay. Maingay ang kalsada dahil sa mga sasakyan na dumadaan pero hindi ko iyon alintana dahil ine-enjoy ko ang paligid.

Habang binabaybay ang daan, biglang pumasok sa isip ko si Seven. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon sa bahay? Marunong kaya siyang magluto? Hindi naman siguro siya mamamatay sa gutom kung sakali. Sayang din ang gwapo niyang mukha kung bigla nalang siyang mawawala.

Napailang ako dahil sa mga naisip.

Kahit gwapo ang lalaking 'yon, kailangan ko paring mag-ingat 'no! Hindi natin alam may saltik pala sa ulo 'yon tapos bigla akong gapangin. Buti nalang hindi ako marupok at medyo conservative naman ako kahit papano.

Mas lumapad ang ngiti ko habang papalapit ako sa bahay. Kanina pa ako nananalangin na sana nagluto ang lalaking 'yon kasi gutom na gutom na ako. Gustong-gusto ko nang takbuhin ang daan pero hindi ko iyon nagawa dahil may biglang humarang sa harap ko.

"Hoy pokpok! Sino iyong lalaki sa bahay niyo? Customer mo ba 'yon?" Iritadong tanong ni Kitty sa akin. Siya ang pakialamera naming kapit-bahay na pwede nang ipalit sa CCTV dahil sa mata niyang nakabantay 24/7.

Tinaasan ko siya ng kilay at namewang ako sa harap niya. Ayoko talagang patulan siya sa mga ganitong pagkakataon pero sobra naman yata ang mga salita niya ngayon.

Kung bitch siya, bitchiest naman ako!

"Oh tapos? Inggit ka no? Bakit? Type mo? Sorry sis, hindi iyon pumapatol sa pandak," asar ko sa kanya.

"Hoy! Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sabihin sa akin 'yan! Bakit? Maganda ka ba? Hindi hamak na mas maganda naman ako sayo! Baka ginayuma mo kaya ka pinatulan?"

Tumawa ako ng sobrang plastic para lalo siyang asarin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Mas matangkad kasi ako sa kanya kaya unti-unti siyang umatras.

"Bakit ikaw? Maganda ka ba? Wala ba kayong salamin sa bahay? And for your information, hindi ko na kailangan ng gayuma kasi siya mismo ang lumapit sa akin. Baka ikaw kailangan mo? Sino ba naman kasi ang papatol sa pandak na tulad mo hindi ba? Tabi!" sigaw ko at itinulak siya sa gilid para makadaan ako.

Narinig ko ang masasamang salita mula sa kanya pero hinawi ko lang ang buhok ko habang naglalakad papunta sa bahay. Sakto namang pagtingin ko sa pinto ay nakita ko si Seven na nakahilig sa pintuan at mukhang naghihintay.

Lihim akong napangiti dahil mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay nang makita ako.

"Hi! Hinihintay mo ba ako?" tanong ko sa kanya at hinubad ang suot kong jacket pagkapasok. Tiningnan ko siya pero dumako ang tingin ko sa pintuan ng kusina nang mapansin ko ang isang lalaki. "Oh! May bisita ka pala? Siya ba ang sinasabi mong kaibigan mo?" Tanong ko at itinuro ang lalaki.

Nagkatinginan silang dalawa at bakas ang gulat sa kanilang mga mukha.

Weird! Bakit parang gulat na gulat sila? Ako lang 'to oh!

Tumingin ang lalaki sa akin na mukhang hindi parin makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Y-you can see me?"

Agad akong tumango para sagutin siya.

"Oo naman! Bakit? Multo ka ba?" biro ko sabay tawa.

Nagkatinginan silang dalawa kaya napailing ako. Iba rin talaga ang trip ng magkaibigan na 'to. Pareho yata silang may saltik sa ulo. Pagkatapos kong hubarin ang sapatos ko ay agad akong umupo sa kabilang sofa para kausapin si Seven. Pero natigilan ako nang maamoy ko ang niluluto sa kusina.

Angelic Demon (Darker Series #1)Where stories live. Discover now