Kabanata 63 - Padre Velasco

Start from the beginning
                                    

"Ang misyon mo'y kailangan magawa ng naayon sa kasulatan na ito, lahat ng dito ay maaring masunod at walang kahit ano ang hindi dapat sundin" sabi ng donya at nalungkot na naman ako ng dahil sa kanyang sinabi, labag sa aking kalooban ang ian sa mga misyon ko ngunit kailangan.

Nagmamadaling maglakad si Donya Anastacia na para bang may kailangan siyang habulin.

Nakarating kami sa kusina at doon naabutan namin si Veronica na nagluluto, kaaga naman siyang napatingin sa amin at lumapit.

"Donya Anastacia at Senyorita Catherina kayo pop ala, ano pong ipaguutos niyo?" tanog ni Veronica sa amin at napahinga ng malalim ang donya.

"Paumanhin Veronica ngunit kailangan naming gawin ito" sabi ni Donya Anastacia.

"Ano p—" hindi na pinatapos ni Donya Anastacia si Veronica sa pagsasalita at kanya itong tinapik sa noo gamit ang abaniko na hawak niya at bigla itong nawalan ng malay na ikinagulat ko.

"Donya Anastacia ano pong ginawa niyo sa kanya?" at nilapitan ko si Veronica para magising ngunit wala talaga itong malay "bakit hindi po siya gumigising ano pong nnagyari?" tanong ko uli sa donya at tinatapik ko si Veromca pero wala talaga.

"Mawawalan ng malay sa susunod na limang oras si Veronica at sa kanyang paggsiing ay wala na siyang nalalaman patungkol sa kung sino ka ba talaga at sa kung ano ang pakay mo sa mundong ito" paliwanag ni Donya Anastacia at napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Bakit naman po? Mapagkakatiwalaan naman po si Veronica at hindi siya isang taksil" paliwanag ko kay Donya Anastacia.

"Isipin mo ang ikalawang misyon mo na nakasaad sa kasulatan?" utos niya sa akin at napaisip ako bigla ng dahil dito.

"Mapanatiling lihim ang misyon at wala ng iba pang makaalam hanggang sa ito ay matapos" banggit ko sa aking isipan at napagtanto ko na kahit pala siya'y hindi maaring malaman kaya ngayon nauunawaan ko na, upang maayon lahat sa kasulatan.

"Nauunawan mo na ba ng nais kong iparating Catherine?" sabi ng donya "Paumanhin ngunit kailangan, intiendes?" sabi pa niya at nakaramdam na naman ako ng lungkot ng dahil dito.

"Si, donya Anastacia" sagot ko.

"Ngayon bago ka magpatuloyt sa paghanap sa mahiwagang orasan ay dadalhin natin siya sa kampo nila Crisostomo upang doon ay siya'y maalagaan at sumapi pa sa rebolusyon na gagawin pa natin" ani ni Donya Anastacia at inakay ko na si Veronica para isakay sa karwahe at dadalhin naming siya sa bundok kung saan nagtatago sila Crisostomo.

Nang kami ay makarating sa kabundukan at kaagad kaming nagtungo sa lihim na kuta ng mga rebolusyonaryo at amin na lang iniwan si Veronica malapit sa kanila at kaagad kaming umalis, may nakakita naman kagad kay Veronica at laking gulat ko na si Lucas ito at napahinga naman ako ng maayos dahil alam kong magiging mas maayos ang kalagayan niya sa kanila kaysa sa amin.

"Handa ka na ba sa iyong gagawin Catherine?" tanong ng Donya at kahit kinakabahan ako ay kailangan kong gawin ito para mahanap ang mahiwagan orasan.

"Kinakabahan man ay aking gagawin, opo handa na po" palubog na ang araw ng kami ay makarating malapit sa hacienda Montecillo, ibinaba na ako ng karwahe ni Donya Anastacia at may hinabilin siya sa akin.

"Mag-ingat ka Catherine" paalala ng donya at tumango na lang ako bilang tugon.

--------------

Sa likod ako ng hacienda ibinaba ng karwahe dahil dito lang walang masyadong bantay at dahil nakasoot ako ng damit ni Victoria ay hindi ako paghihinalaan ng mga guardia sibil at ng kung sino pa man, pero maingat pa rin ako sa aking mga kilos at kung maaari ay hindi ako magpapakita sa mga guardia sibil.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now