“I seriously don’t want to drink this coffee because of the cool latte art! Super cute! >.<”naka post din ang ginawang heart shaped latte art ni Marwin. Alam niyang dahilan si Marwin at Josep kung bakit maraming kababaihaang nagkakape sa coffe shop niya. May hitsura ang dalawang ito. Itinuro mismo iyon sa kanya ni Dale. Pang-hakot customer daw.Sinunod naman niya at effective nga.

Natutuwa siya sa feed backs ng mga customer nila. Marami-rami na ring likes ang kanilang facebook page. At sa ngayon ay marami pa dapat siyang pag-aralan sa business niya. Kaylangan pa niyang mag-isip kung paano tatangkilikin ang business niya.

Nag aral pa siya ng latte art sa Youtube at sa tulong na rin mismo nina Dale at Dylan na kapwa HRM student. Sila rin ang nagturo sa kanya ng tamang pag gamit ng mga coffee maker at pagba-barista.

Isang rason kung bakit malakas ang coffee shop niya dahil ito ang kauna-unahang coffee shop sa bayan ng Candelaria. Nag-iisa lamang ito. Hindi lang pati kape ang nasa menu nila kundi mga cakes, cup cakes and cookies. Perfect partner sa kape. Karamihan mga estudyante ang mga customer nila.

Nang kumonti na ang customer ay pinalitan na nila ng ‘Sorry, we’re close.’ sign ang coffee shop. Maaga silang mag sasara ngayon dahil kaylangan nilang mag enventory ng sales ng buong lingo.

May ilan pa sanang gustong magkape pero nadismaya nang makita sa sign na sarado na ang coffee shop.

Base sa point of sale system nila ay kumita sila ng katorse mil ngayong maghapon. Iba-iba ang sale nila araw-araw dahil depende sa magiging dami ng tao. Bawat labas ng pera sa counter ay recorded para mag tally ang pera sa bangko at system.

At dahil malakas ang sale ngayon ay binigyan na niya ng sweldo ang mga empleyado niya. Sa buong lingo ay kumita sila ng fifty thousand. Masayang-masaya si Red na kumita ng ganoong kalaking halaga sa loob ng isang linggo. Ito na talaga ang simula.

“Nakakatuwa! Got my first ever suweldo!” sabi ni Maya.

“Sir, salamat sa tip, ha?” ani Josep.

“Masisipag kasi kayo at sana hindi magbago, ha? Dobleng sipag, dobleng sweldo.” Sabi ni Red.

“Ang bait n’yong manager, Sir Red.” Ani Marwin.

“Oo nga, Sir.” Segunda naman ni Julie.

“'Tong mga 'to, sumuweldo lang, eh. Sige na, ako nang bahalang mag sara ng shop. Umuwi na kayo ng mas maaga.” Ala sais pa lang ng gabi at ang totoong closing time nila ay alas otso.

“Sige, Sir. Salamat po!” at lumabas na ng coffee shop ang apat para umuwi. Naiwan na siya sa loob ng coffee shop mag-isa.

“Sige, mag i-ingat kayo.”

Ilang sandali lang ay kinandado na niya ang coffee shop nang masigurong maayos na ang lahat. Nag bike na lamang siya pauwi sa kanilang bahay.

Kinabukasan ay naghanda na si Red para sa unang pasukan. Malawak ang unibersidad at sabog sa buong paligid ang mga estudyante. May ilang naliligaw at may ilang pansin niyang sanay na sanay na sa pasikot-sikot ng campus. At isa siya sa naliligaw. Sa business department building siya at sa ikatlong department pa pala iyon. Kaylangan pa niyang hanapin kung saang room ang unang subject niya. Mabuti na lang ay may trenta minutos pa siya para maghanap ng nawawalang classroom.

Karamihan puro minors pa lang at tatlo lamang ang major niya sa ngayon. First year college pa lang naman siya kaya madadali lang siguro ang pag-aaralan nila ngayon.

“Red!” tawag sa kanya ng isang babae. Humarap kaagad siya para malamn kung sino ang tumawag sa kanya. Buti na lamang ay hindi nakapalsak sa tainga niya ang earphones niya. Baka mapagkamalan pa tuloy siyang suplado kung nagkataoon.

Just the GirlWhere stories live. Discover now