KABANATA 15

403 21 6
                                    

KABANATA 15

Midterm is finally over. Kahit na unang taon pa lang nila sa kolehiyo ramdam nilang buong klase ang hirap ng kurso nila. Lalo pa't kaylangan nilang ma-maintain ang kanilang grado para sa scholarship gaya ni Red. Full scholar pa naman siya.

"Lunch break na!" sabay pag-inat ni Gino.

"Kain na tayo, Red, Miah." Tawag sa kanila ni Tiffany mula sa unahan. Ilang buwan na rin nang nagsasabay silang apat kumain kapag lunch break. At si Red... napapadalas na rin ang pagtabi niya kay Miah sa upuan sa likod.

"Tara na." yaya ni Red kay Miah. Sinakbit ni Mia hang shoulder bag niya at kukuhanin n asana niya ang libro niya ngunit kinuha iyon ni Red. "Ako na."

Hindi na lang umimik si Miah at lumabas na lang sila ng room papuntang canteen.

Nasa counter na silang apat nang mapansin ni Miah si Daniella na nakaupo sa bakanteng table. Mag-isa lang ito at hindi pa ito nag uumpisa kumain.

"Okay lang ba? Sasabayan ko lang kumain 'yong kaibigan ko." Sabay nguso ni Miah kay Daniella sa medyo malayo.

"It's okay." Sabay ngiti ni Tiffany.

Close si Tiffany at Miah. Sobrang bait ni Tiffany at napaka hin-hin. Si Gino naman na umamin na may crush daw diumano kay Miah dati pero ngayon daw ay medyo na lang. Ang kaso, napaka lakas asarin ni Gino si Tiffany na labanos dahil sa sobrang puti nito.

Si Red naman ay napatingin kay Daniella. "Bakit hindi mo na lang siya yayain na sumabay sa atin." Suhestiyon ni Red kay Miah.

"I don't think it's a good idea." Ika ni Miah. "But I'll ask her."

Umalis na siya at lumapit siya kay Daniella. "Hey," umupo siya sa tabi nito. "Bakit ka mag-isa?"

"Ikaw pala. Hindi kita napansin." Napansin ni Miah na hindi pa nito naiibo ang pagkain.

"Gusto mo bang sumabay sa mga classmate ko?"

"Hindi na. At tsaka, gusto kita masolo." Sabay tawa ni Daniella at uminom ito ng orange juice.

"Ew." Kunwari nandidiri siya at nagsimula na silang kumain. Sinenyasan na lang niya si Red na kumain na sila dahil hindi ata trip ni Daniella na sumabay kumain sa mga hindi nito kilala. Pero, classmate si Daniella at Red noong high school.

Kilala naman ni Miah si Daniella. Mabait ito at isa ito sa mga taong masasabi niyang naging totoong kaibigan niya. Naging magkaklase sila noong elementary at doon na nabuo ang malapit nilang pagkakaibigan. Pero noong nag high school sila, hindi sila nito naging magkaklase pero madalas sila magkasama sa galaan.

Hindi ang tipo ni Daniella ang unang nakikipag kaibigan. Iyon lang naman ang difficulty nito sa katawan. Nagkaroon kasi ito ng trust issue sa tao noong high school sila. Nagkaroon ito ng mga kaibigan ngunit ginamit lang daw umano ito at marami pang kwento. Sa madali't sabi, si Miah lang ang pinagkakatiwalaan nito. Kaya sa iisang school din sila nag-aral ng kolehiyo ni Daniella. Kahit na magkaiba sila ng course, madalas pa rin sila magkita dahil nasa iisang eskwelahan lang naman sila.

"Hindi mo sinagot 'yong tanong ko sa 'yo kanina." Pukaw ni Miah kay Daniella. Napapansin niyang parang wala itong ganang kumain.

"Ang alin?" nalilito nitong tanong.

"Bakit mag-isa ka lang na kumakain? Nasaan ang mga kaklase mo?" sabay subo ng malaking kanin ni Miah. Gutom siya dahil nagkaroon sila ng madugong quiz kanina.

"Ah. Half day lang kasi kami ngayon then after break time may practice ako ng table tennis. You know, malapit na ang school intrams. Sumali ako sa sports club." Sabay ngiti nito.

Just the GirlWhere stories live. Discover now