KABANATA 32

349 16 9
                                    

KABANATA 32


"I love you. Matulog ka na. May pasok na tayo bukas."

"Alright. I love you too." Sagot ni Miah kay Red mula sa telepono saka binaba iyon. Nag-iwan ng ngiti sa kanyang mga labi ang naging pag-uusap nila kahit sa telepono lamang.

Namimiss niya si Red kahit na araw-araw silang nagkikita. Kakaalis nga lamang nito galing sa kanilang bahay. Halos maghapon si Red na sinamahan siya sa bahay dahil wala naman daw itong gagawin. At para hindi niya masyadong ma-miss ito ay tinitingnan na lamang niya ang picture nilang dalawa ni Red na naka wallpaper sa kaniyang cellphone.

Bukas ay pasukan na nila bilang Sophomore sa College. At sa buong bakasyon ay wala man lang siyang naging balita kay Tiffany at Gino. Siguro'y naging busy ang dalawa sa kani-kanilang pagbabakasyon. Hindi naman nila ililihim sa school at sa klase ang unawaan nila ni Red. Ayaw niya ng ganoon. At ganoon din naman si Red. Kaya napagkasunduan nilang ipapakita nila sa isa't isa kung gaano nila kamahal ang isa't isa kahit na kung nasaan man silang lugar.

Umaga na. At gaya ng ipinangako ni Red ay sinundo siya nito. May duplicate key na rin ito ng bahay nila pero kumakatok at tumatawag pa rin ito para ipaalam ang prisensya nito.

"Gumaganda ka lalo habang tumatagal." Sabay halik ni Red sa kanyang noo.

Siniko naman niya si Red sa tagiliran. "Bolero."

"I'm just telling the truth at sa kung ano'ng nakikita ko."

"Late na tayo." Aniya at lumabas na sila nang bahay.

Habang naglalakad sila papuntang Enverga hanggang sa makarating ay magka holding hands sila. Kaya naman nang makapasok sila sa loob ng gate ng school ay agad naagaw nila ang atensyon ng mga tao. May ilang nabibigla at may ilang kababaihan na napapasimangot. May iba naman na napapatingin lang tapos wala na.

May kaklase silang nakasalubong na halos napahinto pa sa paglalakad. Nginisian lamang sila nito ng nakakaloko at nilampasan na dahil nagmamadali ata at baka hindi pa completed sa pag e-enroll.

"Don't mind them." Ani Red at naramdaman ni Miah ang pag higpit ng hawak ni Red sa kamay niya.

"Wala naman akong pake sa kanila. Eh. 'di magulat na sila." Aniya at inihilig ang ulo sa balikat ni Red. He really smelled nice.

"Ang bango mo. I really like your cologne." Sabay singhot ni Miah sa braso ni Red.

Tumawa si Red ng mahina.

"Parang noong freshmen tayo sinabihan mo ako na mabaho ako." Sabay nguso ni Red. Syempre naglalambing lang ang mokong.

"Syempre joke lang 'yon. Pang-asar ko lang talaga 'yon sa'yo." Niyakap niya ang braso ni Red habang sila ay naglalakad para hindi na ito mangtampo.

"I know." Tumawa ulit si Red. "Syempre gusto kong maging mabango sa paningin mo kahit na naiinis ka sa akin."

"Because I like you already that time. In denial lang ako. Hayan, ha. Inamin ko na."

She remembered those days. Iyong mga araw na kinabubwisitan nila ang isa't isa.

"At ang ending gusto pala natin ang isa't isa. That's really funny. But seriously, noong highschool tayo, I hate you dahil sa mga nababalitaan ko about you pero naging interesado ako sa'yo. I found out na hindi ka naman pala gaya ng mga sinasabi nila. And there are something in you that made me like you even more. Na nag end pa sa pagka in-love ko sa'yo."

Sabay halik ni Red sa kamay niya. Kinikilig si Miah kaya abot tainga ang ngiti niya.

Hindi nila namalayan na nakarating na pala sila sa room nila para sa first subject. Wala pang tao maliban na lamang sa dalawang tao na magkatabing naka-upo habang magkahawak din ng kamay. Nabigla silang dalawa ni Red sa nakita. Nabigla din ang dalawang magka holding hands nang makita sila.

Just the GirlWhere stories live. Discover now