KABANATA 34

294 15 4
                                    

Please do vote and comment thank you!


KABANATA 34


Madaming tao sa resort ngayon at talaga namang naging abala si Miah. Walang pakiaalam si Miah kina Nikko at Badith. They can do their thing kahit siguro hindi kaylangan ang tulong niya. If they need her help, pwede naman siya tawagan ng mga ito. Ilang oras na siyang nagtatrabaho at hindi pa niya nakikita si Nikko after niyang layasan ito kanina. At si Badith, hindi pa niya nakikita.

Oh, siya nga pala ang naka-toka para paliguan at pakainin ang mga aso sa Kennel. Idadamay na rin niya si Barky. Anyway, Barky is having a good time with the other dogs. Active ito kapag playtime pero ang lakas nito kumain at matulog. Such a beast.

Nang nasa gate na siya ng gate ay agad na tumakbo si Barky patungo sa kaniya. Hindi ito magkaintindihan sa saya nang makita siya.

"Dahan-dahan sa pag wag ng tail, Barky! You may break your tail again." Maalala niyang minsan nang na-sprain ni Barky ang sariling buntot nito sa sobrang excited nitong makita siya galing sa school. She even paid two thousand pesos for the vet bills. That's the stupidest thing that Barky did.

Nang maliguan na niya ang mga aso ay saka naman niya pinakain ang mga ito. Nang makakain ang mga ito ay bumalik siya sa resort. Maghahanap ng gagawin dahil hindi na nag reply sa text ang kumag niyang katipan.

"Hey, Miah." Kilala niya ang tinig na iyon. Si Nikko. Lumingon siya dito at nakita niyang may kasama ito. Lalaki. He must be..?

"Ikaw pala si Miah. I'm Benedict. Also known as Badith." Pakilala nang medyo malambot na boses sa kaniya ni Badith. Nakalahad ang kamay nito sa kaniya.

So Badith is gay. Buong akala niya ay babae iyong Badith.

"Nice to meet you." Aniya sa pormal na tinig.

"Kanina ka pa naming hinahanap. We need your help. Kulang daw ng room attendant sa hotel kasi busy sila sa lobby. We need to fix the rooms before daw dumating 'yong mga tourist." Paliwanag nito. Tumatango-tango lang naman si Nikko sa tabi nito.

"Sure, no problem." Aniya at sumama na siya sa dalawa.

Magaan ang loob niya kay Badith. She doesn't know why. Then she found out na OJT pala ito sa resort. Papunta pa lamang sila sa resort ang dami na kaagad nitong nabanggit sa kaniya.

"Maganda ka, Miah. May boyfriend ka?" biglang tanong nito.

"Yes. I have." Pag amin niya. Napansin niya ang pag taas ng dalawang kilay ni Nikko at tumango-tango ito.

"So, you're not single. That's good." Ani Nikko pero hindi niya ito inintindi.

"Ikaw, Nikko? May jowa ka?" si Nikko naman napagbalingan ni Badith.

"I don't have." Deretsong sagot ni Nikko at nagsimula nang tupiin ng maayos ang bed sheet. Tumulong naman si Badith.

"Sa gwapo mong iyan?" parang hindi pa rin kumbinsido si Badith.

"Seryoso. Wala akong matipuhan." Anito.

Tumawa si Badith. "Ang taas siguro ng standards mo? Pasok ba kaya ako?" sabay hirit ni Badith at nagpa-cute pa kay Nikko.

Napatawa ng mahina si Miah.

"Of course. You're a nice person, Badith." Ani Nikko. Namula naman ang huli.

Pumasok na lamang si Miah sa CR para tupiin ng maayos ang mga towels at i-check ang mga gamit sa banyo. Mukhang makakaistorbo ata siya sa dalawa.


Just the GirlWhere stories live. Discover now