KABANATA 16

336 17 0
                                    

KABANATA 16

Tumunog ang doorbell sa bahay nina Miah at alam na niya kung sino iyon. Bago siya kumaripas ng takbo patungo sa gate para pagbuksan si Red ay sinipat niyang muli ang sarili sa salamin. Simpleng pambahay lang naman ang suot niya pero pangmalakasan iyon just in case na may dumating na bisita.

Matangkad si Red at halos kaya naman nito tumalon sa gate nila. Pero syempre, masasapak niya ito pag ginawa nito iyon.

"I brought foods." Itinaas nito ang supot ng 7/11 at mukhang marami nga itong dalang snack.

"Good. Tara na sa loob." Yaya niya kay Red at pumasok na sila.

"Hey, Barky!" bati ni Red sa halimaw na aso. Tumahol ito at nagwagayway ng buntot. Close talaga ang halimaw at si Kokey.

"Ano'ng pinapanood mong movie?" Tanong ni Red habang papasok sila ng bahay. Bakit parang nakakaramdam si Miah ng awkwardness? 'Di ba ito naman ang gusto niya? Ang kasama ito ngayong hapon?

"Paano mo nalaman na nanonood ako ng movie?" Takang tanong niya.

Tumawa si Red. Napatitig naman si Miah dahil sa tawa nito.

"You told me over the phone kanina." Sabay mahinang tapik ni Red sa noo niya. "Makakalimutin ka na."

Napahawak si Miah sa noo niya at lumakad na sa kwarto niya. Lumupagi siya roon at sumunod sa kanya si Red.

"So..." ika ni Red na parang nag a-alinlangang mag stay sa kwarto niya.

Umirap si Miah. "As if naman na unang beses mo pumasok sa kwarto ko. Tigilan mo ko. I-spray-han ko ng pepper spray iyang mata mo pag ginawaan mo ako ng masama." Humalukipkip siya.

Napangiwi si Red. "Mabait ako. Kala mo." Saka dinampot ni Red ang mga nakakalat na DVD sa sahig at inayos iyon. Pinatong nito ang mga iyon sa kama niya.

Napapansin ni Miah kay Red na masinop ito sa gamit. Mahilig maglinis at magligpit. Samantalang siya ay makalat. Pero naglilinis naman siya kapag trip niya.

"May horror movies si Sis. Marami. Sandali lang." pumasok siya sa kwarto ni Mikay at kumuha ng horror DVD na alam niyang maganda. "Here." Bumalik din agad siya sa kwarto niya at inabot niya iyon kay Red.

"So ako ang pipili?" Tanong ni Red at in-scan ang mga DVD.

"Natapos ko na kasi 'yong pinapanood ko. Alangan namang ulitin ko pa kasi dumating ka. Maiba naman di ba?" Mahabang lanytaya niya at binulatlat ang dalang pagkain ni Red.

Napangiti si Miah nang may makitang peanut donut, chichiriya at drinks. Mas kinatuwa pa niya nang mayroon Mogu Mogu na lychee pa ang flavor. Paborito niya iyon! Tamang-tama!

"Thanks sa dala mo. Paborito ko 'to." Wagayway niya sa hawak na drinks.

"No worries. Alam kong paborito mo iyan." Sagot ni Red at saka p-in-lay ang naka salang na DVD.

Tinitigan niya si Red. "Alam mong paborito ko 'to?"

Tumango si Red. "Napapansin kong madalas mong binibili iyan sa vendo at canteen." Lumupagi na ito sa sahig para manood na dahil nagsisimula na iyong movie.

Tumango-tango na lang si Miah pero pigil na pigil niya ang pagngiti. Kumagat na lamang siya ng malaki sa donut na hawak. Ang kaso, nasamid siya. Hindi siya makahinga dahil bumara iyon sa lalamunan niya. Napa-ubo na siya kaya nabaling na ang atensyon ni Red sa kanya.

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong nito. Hindi siya makasagot at ubo lang siya ng ubo habang nakahawak sa dib-dib. Malma na ito. Baka mamatay siya.

Just the GirlWhere stories live. Discover now