Mga TIPS para mapansin ka ni Crush

27K 81 64
                                    

WARNING: OPINYON LAHAT ANG NASA IBABA. SALAMAT!
**

#1: Kapag na-feel mo na na crush mo na siya, huwag mo munang ipahalata. Kasi, super turn off yun.

#2: Pasimple kang lumapit sa kanya pero kunwari hindi siya ang sadya mo. Kunwari ang friend niya. At dahil lalaki sila, makikipagharutan yan sayo [yung friend niya] at tignan mo mukha ni crush, tatawa yan. [ o diba, naging joker ka, kasi napatawa mo si crush :))] At minsan, sasali pa siya sa pakikipag-asaran sayo. Hmmm! Taray, pansin ka na niya ^^

#3: Kung magkaklase kayo ni crush, madaling magpasikat. Kunwari hindi ka katulad ng ibang babae na patay na patay sa kanya kasi sawa na siya sa mga ganun. Kunwari, lagi mo siyang hindi napapansin at kung may crush din sayo si crush, magtataka at malulungkot na yan kasi ikaw lang ang hindi pumapansin sa kanya xD

#4: Heto, kaibiganin mo ang isa sa mga makulit at mabait na friend niya. Yung hindi kunwarian lang. As in kaibiganin mo talaga kasi masarap maging ka-close mga lalaki teh! Mwahahaha! At kapag close na kayo, magiging makapal na mukha mo na magtanong tungkol sa crush mo, at kapag tinanong kung bakit ka nagtatanong ukol kay crush, sabihin mo totoo at sabihin mo sa kanya na HUWAG NA HUWAG NA HUWAG MUNANG sasabihin yung totoo mong feelings.

Matutulungan ka pa niyan para magkalapit kayo ni crush xDD

#5: Hindi lahat ng sikreto ay natatago habambuhay. Kaya kapag nagka-chance sabihin mo ang totoo sa kanya. Crush pa lang naman. [Pero ako, never akong umamin xD] Ang iba kasi, kapag may nagkagusto sa kanila, naiisip din nila ang mga taong nagkakagusto sa kanila. At mas malaki ang possibilities na magustuhan ka din niya kasi alam niya na gusto mo din siya.

#6: Kapag pinaalam mo na sa kanya na crush mo siya, huwag kang mahihiyang lumapit/makipagusap sa kanya. Pero yung casual lang ah hindi yung nang-seseduce! Kasi baka isipin niya na nahihiya ka pero kapal mo namang umamin di ba?! Basta act normal. Rember, crush is paghanga pa lang po. Pwede pa yang maturn-off. Wag munang ibibigay ang puso mo!

#7: Titigan mo lang siya kahit gustong-gusto mo na siyang yakapin. Kapag nahuli ka niyang nakatingin sa kanya, huwag ka munang tumingin sa iba, ngitian mo siya. Yung sweetest smile mo! Yung pamatay!

#8: Kapag may celebration, batiin mo siya PERSONALLY. Hindi yung sa facebook or twitter lang para mas ma-appreciate niya na bukal sa loob mo ang pagbati mo sa kanya ^^

#9: Always smile :)))))))))) Lagi kang mag-smile. Para blooming ka teh! Para kahit hindi ka nakatingin sa kanya, malay mo tumingin siya sayo at iba kausap mo, makikita niya na ALWAYS SMILING ka pala. Ibig sabihin, hindi madamot sa ngiti ^^ Turn-on yun!!!

#10: Maging totoo ka, all the time. Be yourself. Mas magugustuhan ka niya kung makikita niya ang tunay na ikaw. Walang pagkukunwari. Talagang mapapansin ka niya. Huwag ka nga lang masyadong tactless, eh kung ganun ka, medyo baguhin mo ang ways mo para hindi turn-off di ba?? Saka huwag kang plastik sa harapan ni crush! Kasi kung magiging kayo man at makita niya ang real you, hihiwalayan ka niyan dahil nagkamali pala siya ng pili..

Suggestions? Comment it down.
And if you have any spare time, please visit my profile for more stories and one shots! Salamat.

Crush, Love? Pwede Nating Pag-usapan 'YanWhere stories live. Discover now