Fangirl ka ba? Ako, oo ^_^

1.1K 13 9
                                    

FANGIRL?

Ano ba 'yun?

'Di ko alam. Basta ang alam ko, ka-uri ka 'yon.

Saan ako fangirl? Fangirl lang naman ako ng One Direction at soon-to-be-wife ni Louis kapag nagbreak na sila ng girlfriend niya. Fangirl. Alam ko isa ka diyan kaya mo nga binabasa 'to di ba? Ikaw yung tipo ng tao na mahilig sa banda at artista na kung saan, TRABAHO MO NA YATA ang "pagiimbestiga" tungkol sa iniidolo mo.

Napapahiyaw ka kapag nakikita mo siya/sila. Kahit sa tv mo lang naman nakita. Ang OA! Pero huwag kang mag-alala, nandito ako at hindi ka nag-iisa.

Alam nyo ba, ang mga kaklase ko ay puro mga fangirl? Fangirl ng One Direction, Chicser, ni Coco Martin (huwag nang Piolo Pascual. Laos na 'yan saka gay pa. Ang sama ko 'no? xD) Super Junior at iba pang K-pop groups at kung sino pa ang kinalolokohan nyo ngayon! Kung hindi naman kayo fangirl heto, basahin niyo nang may malaman kayo about sa akin at sa mga kauri ko. At kung fangirl ka, basahin mo na lang din:

FANGIRL:

1. Madalas na teenagers ang mga katulad namin. Natural, madali lang magkainteres ang mga katulad namin/nating mga teenagers sa mga sikat na kung sinumang sikat! Basta sa akin One Direction! xD

2. Kami, kapag na-cute-an kami/nagwapuhan/nagandahan/nagalingan/napanganga kami sa isang sikat na personalidad, wew are getting curious kung ano bang name nila, age, height, fav. color, may gf/bf na ba? Eh yung address? Phone number? OA na...

Ako nga noong first time kong nakita 1D sa tv, ang akala ko si Liam ay si Harry (kung kilala nyo lang naman sila.) Pero dahil curious nga, nagsearch pa ko sa net! Ang sipag lang ng peg?! hehe...

3. Sa facebook/twitter or kahit na sa anong social networking sites, ipa-follow ar ia-add namin sila kahit sangkaterba ang nagkalat na feeling nila sila ang artista na nagpapanggap lang lalo na sa fb! Saka like kami ng like ng mga page ng idol namin! At gumagawa pa ng group kahit hindi nila alam/kilala ang iba pang members! Ang cool kasi madami kang magiging fwends :))

4. Kapag may nagpakita ng hate sa aming mga iniirog na hindi naman talaga alam na nabuhay kami sa Earth, naku! Makakatikim sa amin! Aminin... kasi ako, inaamin ko. Ingles pa ang wika ng baliw na nagsabi na ayaw niya sa 1D (ayaw lang sa 1D, inaway ko na!!! Ang sama! BABALA: HUWAG GAYAHIN) hindi pala "ayaw", HATE NIYA DAW!!! Chos lang!!! Ayoko nang sabihin ang sinabi ko. Pero hindi naman wrong grammar hehe xD

5. Ang mga fangirl ay maraming naaaksayang pera. Like me. MAkabili lang ng magazine na kung saan cover ang idols ko, bili agad kahit 100 plus ang peg ng prize! Pero mabuti at may libreng posters.. yung iba nga na mag, poster lang ng 1D ang dahilan kaya bumibili ako eh.. xD Saka ang mamahal ng albums, bumibili pa rin kami kahit pwede namang i-upload. Sadyang mapagmahal lang kaming tao.. (Weee xD)

6. Every show ng mga idols ay pinanonood namin. Kahit tv guesting at radio guesting (may ganun ba? Not sure eh, gawa-gawa lang ahahahaha xD) Kasi nga, hindi buo ang araw kung hindi man lang makikita ang MUNDO NAMIN. Di ba? Saka kung makatili kami, parang nakita namin ng personal, aminin. :P

7. Kapag may nalilink or dinedate ang mga idols namin ay super supportive kami KUNG GUSTO LANG NAMIN ang tao na lumalapit at lumalandi sa kanila:) Ang lakas naming manghusga!!!

Marami pang ginagawa ang mga fangirl like me, baka nga sa sobrang dami hindi ko na maisulat. At isa pa pala! MAhilig silang gumawa ng fanfic kung saan sila ang ka-partner ni IDOL di ba? Hehe, relate much 'no? Pero ang fangirl like me, ay parang reader. Kailagan ng mga idol namin ng suporta namin dahil kung wala kami, walang papalakpak sa kanila at hindi sila magkakapera! Pero remember, huwag maging so mean sa umiidolo sa iba na ayaw mo. Ganun kasi ako eh.

COMMENT NAMAN PO KAYO KUNG ANONG GUSTO NYONG TOPIC NATIN? WALA po akong maisip kaya heto ang naging topic ko. Walang kwenta iih.. sorry po :))

Crush, Love? Pwede Nating Pag-usapan 'YanWhere stories live. Discover now