Paano Kung Bakla si Crush?

611 9 3
                                    

Author's Note:

Matagal ko nang tinanong iyan sa sarili ko, and finally! Nasagot ko rin ang tanong na iyan. Ang update na 'to ay para sa mga babaeng may crush na bakla :)

*****

#16 Hindi lahat ng bakla ay pumapatol lang sa kapwa nila lalaki. Pwede rin silang pumatol sa kapwa nila bakla or iyong mga bisexual. Pero higit sa lahat, pwede rin silang ma-fall sa ating mga babae.

I have a former classmate na bakla. As in bakla in a sense na mas gusto niyang mag-gown at mag-wig kapag may play kami sa school. Siya lagi ang gumaganap na mataray na nanay ng bida sa play namin. Gwapo siya at malakas ang appeal. Tapos sobrang define pa ng panga niya at tinutubuan siya ng stubbles sa gilid ng panga niya. Pero iyon nga, he's gay. Ngayong first year college na kami at hindi na magkaklase, nabalitaan ko na nagkaroon siya ng girlfriend! But, ibang kaso ang relasyon nila dahil tomboy iyong girlfriend niya. But we could still hope, right?

#17 Ngayong college lang din, nagka-crush ako sa isang bakla. Gwapo siya pero kapag sumayaw siya, mahihiya ang tunay na babae sa lambot ng katawan. Nalaman niyang crush ko siya and it seems okay with him. Kaya hindi lahat ng bakla ay takot sa babaeng nagkaka-crush sa kanila, okie?

#18 May kakilala akong bakla na open magka-pamilya, with a girl ah, in the future. Ang dahilan niya, ayaw niyang tumanda ng mag-isa. But we'll never know, baka ang maging dahilan niya in the future ay: dahil nagmahal siya ng isang babae.

#19 If you really like your gay crush so much, alamin mo muna kung open siya sa mga bagay na nasa itaas :) Then you could do the #Hokage tips na binigay ko sa inyo sa mga dating updates 😂

Good luck! :)

Any topic suggestions? Comment ninyo :) Thanks for reading ☺

Crush, Love? Pwede Nating Pag-usapan 'YanWhere stories live. Discover now