Pwede bang manligaw ang isang babae?

418 7 14
                                    

Pwede bang manligaw ang isang babae?

#20 Ayon sa Psychology professor namin, sa generation natin ngayon it is okay for a girl to court a guy she likes. Although hindi tayo sanay sa ganitong set up dahil nga sa tradisyon natin, walang mangyayari kung tititigan mo lang ang crush mo. You have to make a move. But, dapat nasa tamang edad ka na (or iyong malapit na sa spinsterhood) kung gagawin mo 'to.

So tip #20 is only advisable for 18 years old and above. Hahaha (pero seryoso talaga 'to).

#21 If your crush doesn't know you (or talagang wapakels sa'yo) at may girlfriend, (yes, tuturuan ko kayong mang-agaw ng boyfriend ng iba, charot!), ayon sa professor ko you must send him something, flowers or letters etc. that could make him/her wonder who the sender was (yes, huwag dapat magpakilala muna). In that way, you could penetrate his/her mind. Nasa sa kanya na iyon kung papatol siya sa'yo at finally hihiwalayan ang current jowa or ipagsasawalang-bahala na lang niya.

And again, for 18 years old and above lang po ito.

#23 If liligawan mo talaga si crush, don't be too agressive. Baka akalain niya na pang-fling ka lang, or ayun ang gusto mong maging. You need to show him na pang-altar ka, for keeps kumbaga at siya ang mawawalan kung hindi ka mapapasakanya. Just be subtle about your breezy moves. And pwede mo namang gawin ang mga iyon nang hindi sinasabi na nililigawan mo sila. Sa una dapat ay friends lang muna, getting to know each other stage kumbaga. Then little by little, show some hints na gusto mo siya.

#24 If your crush crushes you back, hayaan mo siya ang unang manligaw or mag-confess. Ito iyong mga panahong dapat mag-feeling maganda ka (tutal gusto ka rin niya), but not to the point na nagiging maarte ka na. Always remember, BALANCE IS GOOD. Okay?

#25 Kung manliligaw ka, make sure na appropriate iyong mga bagay na ibibigay at gagawin mo sa kanya. If he's younger, then you have to be younger. If he's older, magpaka-mature ng kaunti. In that way, masasabayan mo ang mga trip niya, may mga bagay kayong mapag-uusapan.


#26 Remember always, kung hindi mo naman ganoon kagusto ang isang lalaki, don't court him. Mamili rin ng tamang lalaking gagawin mong espesyal. We are the same as guys, kung gusto nilang paghirapan ang babaeng pahahalagahan nila, dapat tayo rin. Kung marunong tayong magpabebe at kiligin, sila rin. We demand gender equality, right? Isa siguro ang panliligaw sa dapat isama sa listahan na dapat ay magkapantay ang lalaki at babae.


Any suggestions? Comment it down :) Thanks sa pagbabasa. Hanggang sa next update!

Crush, Love? Pwede Nating Pag-usapan 'YanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon