Entry XVIII

12 2 0
                                    

• • •
'Balang Araw, Lilingon Ka Rin. Pero Sa Puntong  Iyon. Wala Na Ako'

"Oy Rody, ano na? Wala ka parin bang balak na magustuhan ako?" Singit ni Chelsea habang nililigpit ko ang gamit ko.

Itinukod niya pa ang kamay niya sa mesa ko habang pinagmamasdan akong nagliligpit. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan niya sa 'di kalayuan.

Hindi ko siya sinagot, tinuloy ko lang ang pagliligpit sa mga gamit ko na nagkalat sa ibabaw ng mesa ko. Muli siyang nagsalita ng sinasara ko na ang bag.

"Ang suplado naman nito! Wala ka ba talagang nararamdaman para sakin?" Malungkot na tanong niya.

Tumuwid siya sa pagkakatayo ng tinapunan ko siya ng tingin. Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko ng hindi inaalis ang mata sa kaniya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya, mas nakikita ko ngayon ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya dahil masyado siyang malapit sakin.

Bahagyang namula ang pisngi niya at dahan-dahang tumango.

"Wala akong gusto sayo," malamig na sabi ko bago tinapunan ng tingin ang mga kaibigan niya. Tinalikuran ko na sila pagkatapos kong sabihin iyon.

Bahagya kong tinapik ang naghaharumento kong puso ng tuluyang makalabas ng silid namin.  Saktong pababa ako ng hagdan ng may humakbay sa 'kin.

"Ohh Rody, uuwi ka na agad?" natatawang sabi ni Daryl, kaklase ko.

"Ayaw mo bang sumama muna sa amin? Turuan mo kami kung paano magustuhan ni Chelsea, tutal ay magaling ka naman doon," may pagka-sarkastikong sabi ni Ken.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi niyo," mahinahong sabi ko bago inalis ang pagkaka-akbay ni Daryl at iniwan sila doon.

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig kong tumawa ng malakas si Daryl.

"May nagkagusto lang akala mo kung sino ng hari. Hindi ko talaga alam kung bakit ka niya nagustuhan. Hindi ka gwapo hoy! Huwag kang mangarap!" pahabol na sabi ni Ken.

Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa nilang big deal iyon, halata namang pinagttripan lang ako ni Chelsea. Ang isang tulad niya ay imposibleng magkagusto sakin. Sikat siya sa school at marami ring nagkakagusto sa kaniya, kabilang na sila Daryl.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyon.

Ang sama mo sakin :(

Text ni Chelsea, napangiti ako ng makita ang emoji na ginamit niya, na-iimagine ko tuloy ang malungkot niyang hitsura kanina.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang sandali lang ay tumunog ulit.

Oy sumagot kaa

Pinatay ko rin agad ang cellphone ng mabasa ko.

Kinuha ko ang headphone sa bag ko at inilagay sa tenga ko ng makalabas na ako sa gate. Pumili ako ng kanta at pinatugtog iyon.

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now