ENTRY III

22 3 0
                                    

• • •
'Hanggang Ngayon, Ikaw Lang'

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng makarinig ng yapak mula sa likod ko.

I sighed when I saw who it is. hindi ko siya pinansin at tinakpan ng libro ang mukha ko bago humiga ulit sa damuhan.

Nasa may harden ako ngayon ng skwelahan namin, nakasilong sa ilalim ng puno. I was about to fall asleep if only she didn't come.

"U-ugh, pwede ba kitang samahan dito?" Tanong ni Ash.

Pansin ko ang panginginig sa boses niya, sanhi siguro ng sobrang kaba.

I didn't respond. Nanatili akong walang imik at pinagpatuloy ang naudlot kong pagtulog.

Marahas kong bumuga ng hangin ng maramdaman ko siyang umupo sa tabi ko.

Kung nag iisip lang siya, siguro'y matatanto niyang hindi ko gusto ang presensiya niya dito.

Inalis ko ang libro sa mukha ko.

"Alis"

Gulat siyang napatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata niyang kulay abo habang nakatingin sa akin.

"Umalis ka dito" walang emosyon kong sabi.

"Hindi ba kita pwedeng samahan? Uupo lang naman ako, h-hindi kita guguluhin, promise!" Kabadong sabi niya.

"Hindi ko kailangan ng kasama, makakaalis kana"

"G-ganun ba? Akala ko kasi o-okay lang, hindi ka kasi u-umangal ng tinanong kit--" ikinumpas ko ang kamay ko tanda na pinapaalis ko siya. Kaagad naman siyang tumayo at nagmamadaling umalis.

Napa buntong hininga ako habang nakatingin sa likod niyang papalayo. Kapagkuwan ang ibinalik ko rin ulit ang libro sa mukha ko.

******************

"May gusto sana akong ipagtapat sayo" bungad niya isang araw pagkatapos niya ulit akong puntahan sa harden.

Hindi ako umimik. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko habang hinihintay ang sasabihin niya.

Dahan dahan niyang inilahad sa harapan ko ang kahon na hawak niya. sang maliit at makulay na papel ang nakaipit sa ibabaw noon.

"Ano 'yan?" Iritang tanong ko ng matanto ang kahihinatnan ng ginagawa niya.

"R-regalo ko ito para s-sayo"

"Para saan? Malayo pa ang kaarawan ko"

Pinagmasdan ko siya habang dahan dahan niyang inilapag ang kahon sa damuhan. Ngayon ko lang napansin ang pagnipis ng braso niya. Mas pumayat siya kaysa sa huling kita ko sa kanya.

"Tuwing may okasyon lang ba pwedeng magbigay ng regalo?" Balik na tanong niya sakin.

Napatiim bagang ako.

"Anong gusto mong sabihin sa akin?" Pag-iiba ko.

Nakita ko ang unti unting pamumula ng pisngi niya. Pinaglalaruan naman ng dalawa niyang kamay ang manggas ng damit niya.

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now