ENTRY IX

96 14 4
                                    

• • •
'A Bottle's Confession'


Lalabas na sana ako para tulungan ang mga kaklase ko na naglilinis sa labas ng room namin ng biglang may humarang sa daraanan ko.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakakunot noong tanong sa 'kin ni Adrian.

"Pakialam mo?" Sagot ko at umirap sa kanya. Tinabig ko sya at nagma-martsang naglakad palabas. Tsk, panigurado mambi-bwisit na naman 'to.

"Nagtatanong lang naman, sungit neto," sabi nya at sumunod sa 'kin.

"Kung walang kwenta rin lang naman ang tanong mo huwag ka nang magtanong. Jusko Adrian, ang aga pa oh, kung makapag-tanong ka nang 'bakit ngayon ka lang' akala mo naman late na ako," inis na sabi ko sa kanya.

"Oo na, ang ikli lang ng tanong ko pero kung anu ano na ang sinabi mo," natatawang sabi nya at umalis.

Bwisit. Kung hindi ko lang talaga crush 'yung lalaking 'yon baka nasuntok ko na siya. Kaasar naman kasi, araw araw na lang nambi-bwisit siya.

"Hannah, 'yang mukha mo. Ang aga-aga naka-busangot, kaya tayo minamalas eh," Sabi ni Kim na kaklase ko.

"Tigilan mo 'ko Kim ah, baka ma-kurot kita," Asar na sabi ko.

"Bw-in-isit ka na naman ba?" Tanong niya sa 'kin saka tumawa .

"Hayaan mo na, nagpapa-pansin lang iyon sa 'yo" sabi ulit niya pero 'di ko na lang pinansin.

Lagi na niya---este nilang sinasabi sa 'kin na may crush si Adrian sa 'kin mula nang bwisitin niya ako nung 1st day of class namin, pero hindi ako naniniwala. Hindi ko naman kasi nararamdaman. Araw-araw ba naman kung mang-asar, maniniwala ka? 1st day palang nga, nang-asar na eh. Tsk.

Naalala ko noong 1st day ng klase namin. Ayaw ko pa noong pumasok dahil wala akong kilala. Transferee kasi ako. Alam mo 'yung feeling na 'yung mga kaklase mo nag-uusap tapos nasa pagitan ka pa nila, nakaka out of place lang diba?

Sa sobrang inis ko pinagta-tadyakan ko na lang 'yung upuan sa harap ko, idagdag mo pa 'tong p*nyet*ng (sorry sa bad word) nasa likod ko na kumakalabit ng kumakalabit sa 'kin. Huwag lang siyang magpapahuli dahil talagang malilintikan siya sa 'kin.

Tumingin ako sa likod ng may kumalabit na naman pero pagtingin ko sa likod may kanya-kanya na silang ginagawa. May tig-lilimang upuan sa bawat linya sa isang row. Pangalawa ako sa huling row naka-pwesto. Nasa huling row ang kumakalabit sa 'kin, tinignan ko sila isa-isa. Hindi ko na pinansin 'yung nasa magkabilang dulo dahil hindi naman nila ako maaabot. Tumingin ako do'n sa babaeng nasa kanan, nagsusulat lang siya pero kita kong nagpipigil ng tawa, yung lalaking ka-linya ng upuan ko ay naka-ub-ob lang sa desk niya, yung huli naman ay nagpipigil ng tawa na nakatingin sakin, umiwas lang siya nang tingin ng tumingin ako sa kanya.

Kaasar, sino ba kasi yon?

"Sino 'yon?" Tanong ko do'n sa babaeng nakatingin sakin kanina. Tinuro naman niya 'yung lalaking naka-uob sa desk.

Hinintay kong iangat nya 'yung ulo niya. Pagkalipas lang ng ilang segundo, sumilip siya habang nakayuko pa rin at tumingin sa 'kin. Nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya ay biglang nanlaki ang mata niya at namula ang taenga. Pagkatapos, umayos siya ng upo at kunyaring tinambol ang kamay sa desk niya at umaktong walang alam, napairap na lang ako.

"Yiie. Adrian, crush mo siya 'no?" Sabi nung babaeng nagturo sa kanya, hindi ko na sila pinansin.

Nakakainis, ba't ang gwapo niya? 'di ko tuloy nagantihan.

***end of flashback***

Pagkatapos no'n lagi na niya akong binubwisit, ginagaya niya lagi kung anong ginagawa ko. Naging close ko na rin lahat ng kaklase ko kabilang siya. Kapag ginagaya niya yung ginagawa ko, kahit na pinipilit kong mainis hindi ko kaya. Nakakatawa kasi yung hitsura nya, parang baliw na ewan, minsan nga kapag hindi ko mapigilang kiligin. Nasasabunutan ko sya.

Mind Pieces: A Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now