Chapter 47 : Approved!

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ma, Kuya. . .Patawarin nyo napo si Apolo. . .”

“Avril? Ano nang nangyari sayo? Nakalimutan mo na kagad ginawa sayo nyan? Di ka pa ba nadadala dun?” mariin na sabi ni Kuya. Naiintindihan ko naman sila eh pero. . .

Gusto ko lang naman maging ayos ang lahat diba?

“Vlademir. Itigil mo na yan” saway ni Mama kay Kuya

“Alam mo iho. Kung sa akin lang, hindi ako tutol sa inyo. Para sa bata, mas magandang lumaki sya ng may Nanay at Tatay”

“Mama!” napatayo si Kuya sa galit narin marahil

“Anak, maging masaya na lang tayo sa kapatid mo at pati sa pamangkin mo. Alam kong hindi sadya lahat ng nangyari nun. Diba iho? Isa na lang ang hiling ko sayo. Wag mo ng sasaktan ang anak ko. Masakit para sa isang Ina na makitang nasasaktan ang anak nila. Maiintindihan nyo yan habang lumalaki na si Dylan”

Umupo na si Kuya. Mukhang nahimasmasan na.

“Apolo, uulitin ko to sayo. Wag mo na ulit sasaktan ang kapatid ko. Papalagpasin ko yung nangyari ngayon. Tatanggapin ka ulit namin sa pamilya namin pero sana wag mo na kaming biguin” seryoso si Kuya sa mga sinasabi nya.

Tumingin ako kay Apolo na ngayon ay nakangiti na.

“Opo, pinapangako ko po” hinawakan nya ang kamay ko “Hinding hindi ko na sya sasaktan. Maraming salamat po talaga sa pagkakataon”

Tapos ayun nagkangitian nadin. Siguro may konting alinlangan pa pero mawawala din yun dahil patutunayan namin sa kanila na tama ang naging desisyon namin na ipagpatuloy pa ito.

After nung dinner na yun nag-stay pa si Apolo sa bahay ng mga ilang oras pa. Nagkakakwentuhan lang kami nung tungkol sa nangyari nung hindi kami madalas magkita.

Si Mia pala ay hindi na umuuwi sa kanila. Gusto daw maging independent at namasukan sa isang cafe at nag-iipon na ng sariling pera para sa pang-araw araw na gastusin. Sa Princeton University sya papasok. Yung pinakasikat na University sa Pilipinas, kung saan mga sikat na estudyante ang pwedeng pumasok pero kung matalino ka eh pwede kang maging scholar dun.(Later na yung description ng Princeton University)

Si Kean naman ayun babaero padin daw. May gusto na kay Mia pero dahil sa may pagka sadista si Mia eh hindi nya maligawan pero patuloy padin ang pambababae -___________-

Si Patrick katulad ni Kean babaero padin paano walang lovelife. Wala naman nililigawan puro happy happy lang. Palibhasa mga rich kids sila kaya ayun. Laging happy happy.

Si Madison at Carl daw diba nagbreak na sila dahil nga dun sa nangyari dati. Hindi padin namin alam kung anong dahilan nung pagkakahiwalay nila pero ayun nililigawan ni Carl si Madison ulit.

Hindi ko na sila nakita ulit. Hindi kami nagkaroon ng chance dati na maging magka close pa pero parang gusto ko din sila maging kaibigan kasi tuwing kinekwento ni Apolo yang mga bestfriends nya na yan eh masaya sya. Mababait sila.

Nung ako naman nagkwento wala akong masyadong makwento kasi halos puro si Julian lang ang kasama ko nun. Nagseselos pa nga sya eh. Ang cute cute nyang magselos. >3<

Si Cristine at Tristan, nagkita kami nung graduation. Nung bago kami magkita ni Apolo nun. Sa Princeton kasi sila mag-aaral eh. Pinipilit nila akong mag-aral din dun. Kung sabagay kumuha na ako ng exam dun yung result na lang iniintay ko.

“Sa Princeton ka mag-aaral?” tanong ko kay Apolo

“Oo eh, dun mag-aaral sila Kean kaya dun nadin ako”

“Parang ayoko mag-aral dun”

“Bakit naman?” tanong ni Apolo sakin na nakakunot ang noo “Ayaw mo ba akong makasama?” dagdag nya pa.

“Hindi naman sa ganun. Kasi pang high-class lang yung school na yun. Kadalasan mga mayayaman at sikat lang ang nag-aaral dun. Alangan naman para sakin”

“Ano kaba naman” lumapit sya at niyakap ako “Kayang kaya mo yan, matalino ka naman diba?”

“Ehem!” nakita pala kami ni Kuya kaya bumitaw sa pagkakayakap si Apolo. Panira naman tong si Kapatid na sungit kami na nga lang magkapatid eh sinisira ang moment ko. Tapos ayun umakyat na sya ulit.

“Pero Apolo. . .Alam mo naman na baka hindi namin kayanin nila Mama na sa ganun pa ako mag-aaral”

“I’ll help”

“Ayoko, nakakahiya. Kung sakaling mag-aaral ako dun, paghihirapan ko”

“Tch!”

“Apolo, gabi na. Umuwi kana kaya. Delikado sa kalsada kapag gabi na”

“Sige na nga pero dapat may kiss muna” tapos nakanguso sya sakin. Ang cute >3<

“Kiss ka dyan. Uwi na bukas magsisimula na akong magsummer class”

Sumimangot naman si Apolo at tumayo na. Palabas na sya ng gate ng tinawag ko sya.

“Apolo!” kaya napaharap sya. Lumapit ako at hinalikan sya sa labi. Smack lang naman. Tapos ayun ngumiti na, hindi na sya galit.

“Ikaw talaga”

“Bakit? Ayaw mo?” tumalikod na ako at kunwari naiinis pero nakangiti ako. Hahaha

Hinawakan nya ako sa kamay at iniharap sa kanya then plant a kiss on my lips. Feeling ko sasabog na yung puso ko. I know hindi ito yung first kiss namin, may baby na nga kami eh, pero tuwing hinahalikan nya ako eh kinikilig padin ako na parang ewan.

Tapos ayun. Niyakap ko sya ng sandali

“Uuwi na nga ako, baka mamaya tamarin pa ako umuwi eh.” Tapos ayun ngumiti lang sya at sumakay na sa sasakyan.

Pumasok na din ako sa bahay. Nakita ko si Kuya na nakaupo sa sofa at ngumangata ng chichirya habang nanunuod. Umupo ako at kumuha ng chichirya.

“Bunso, pasensya kana kanina ah”

“Para san kuya?”

“Kung sinungitan ko si Apolo mo”

“Ay nako kuya, para kang matandang binata”

“Bunso naman eh”

“Joke lang” v^______^v

“Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero syempre ayaw ko naman na nasasaktan ka Bunso”

“Kaya nga eh, nasasaktan ako pag wala sya”

“Mahal mo talaga sya noh?”

“Oo Kuya. . .”

“Haaay. Ang Princess namin, dalagang dalaga na may baby na eh. Pero bunso ah, kapag sinaktan ka ulit sabihin mo lang sa kuya ha”

“Hahaha. Syempre, ikaw na bahalang bumugbog sa kanya”

“Sige na bunso, matulog kana sa taas”

Tapos ayun pumunta na ako sa kwarto. Tulog na tulog padin si Dylan kaya humiga nadin ako. Narinig ko na nag-ring yung cellphone ko.

Apolo Calling. . .

“Hello?”

My Fake Dreamboy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon