Chapter 45 : First Half! Love Love Love!

1.1K 20 4
                                    

Chapter 45

Bumitaw sya sa pagkakayap sakin. He smiles at me. I smiled at him. Gusto kong tanungin sa kanila kung dumalaw ba si Apolo sakin. Pero alam kong hindi ito yung oras para tanungin ko yun. Kinabukasan, hinayaan na nila akong makita yung baby ko, naka wheelchair lang ako.

Ang cute cute nya na. Nakakadilat nadin sya kasi 3 weeks na sya. Kamukhang kamukha nya ang Daddy nya. Those cute eyes, tapos when he smiles may dimples nadin. Sana nandito ang Daddy ng baby ko. Sya sana yung kasama ko ngayon na tinitignan ang baby namin. Napansin ko yung pangalan na naka attach sa higaan nya.

Baby Raeden Dylan Tan. Si Apolo siguro nagpangalan. Naaalala ko nung nasa Vigan pa kami, bago ko pa man maalala ang lahat. Yun na yung huli kong beses na nakasama sya. . .

After nun, hindi ko na sya nakita. . .

March 14 na ngayon, isang linggo nadin simula nung nagising ako. Ngayon na ako uuwi sa bahay namin. Kasama narin si Dylan(Raeden Dylan). He’s my angel, he’ll always remind me about Apolo. Hindi nya padin ako dinadalaw. Gusto kong malaman nya na hindi ako na ako galit sa kanya.

Malapit narin pala ang graduation nila. Hindi ako makakasabay kasi kailangan kong mag-summer para mabawi lahat ng mga lessons na hindi ko napasukan tapos makukuha ko na yung Diploma ko. Alam naman kasi nila Tita Claud ang mga nangyari kaya ayun.

 Si Julian, umalis na sa bahay. Hindi na din nya ako dinalaw at hindi na sya nagpapakita, alam ko naman na malungkot sya at ayaw nyang makita ko yun. Tinapat ko na kasi sya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Hindi na nya ako pinagpaliwanag nun. Malungkot din ako pero inuunawa ko na lang, maybe this is the right thing for us.

“Anak”

Lumapit sakin si Mama. Nandito ako sa tapat ng bintana, pinagmamasdan ang magandang mga ulap. Dati akala ko, kapag nakita ko na yung Dreamboy ko okay na. Mas masaya pala dati nung napapanaginipan ko lang sya, hindi ako nasasaktan ng ganito. . .

“Po?”

“Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Mahirap magpalaki ng anak ng mag-isa. Pero alam kong magiging ayos din ang lahat ng sainyo ni Apolo. Hindi ako galit sa kanya. . .”

Napatingin ako kay Mama, ito ang unang beses na nagbigay sya ng mga advices tungkol sa ganitong issue

“Galit ako dun sa ginawa nya. Pero pinatawad ko nadin sya sa lahat ng ginawa nya sayo. Hindi ako hahadlang sa inyo Anak. Alam ko kung gaano kasakit na mag-isa kang nagpapalaki ng anak mo, at kapag dumating yung oras na hanapin nya ang tatay nya, wala kang magawa. Doble ang sakit na mararamdaman ng isang Ina tuwing nasasaktan ang kanyang anak. Hindi pa huli ang lahat para buuin mo ang pamilya mo Anak. Gusto ko lang naman ay maging masaya ka, kayo ni Dylan”

Niyakap ako ni Mama dahilan para may mamuong luha sa mga mata ko.

“Alam ko ang hirap na dinanas mo ng nawala ang Papa mo. Wala akong magawa para sayo nun. Pero si Dylan, pwede mo pa syang mabigyan ng magandang pamilya. . .”

It hit me. Sa sinabing yun ni Mama.

“Mama, salamat po”

After nun napag-isipan kong puntahan at kausapin si Apolo. To clear things, Dylan is at stake here.

This is the least that I can do for my Baby. I could risk my heart again para sa kanya. Ngayon naiintindihan ko na kung paano nakaya ni Mama nung nawala si Papa. Kailangan nyang magpakatatag para samin, kahit deep inside, para na syang namatay. I admire my Mom so much.

Graduation Day

March 28 na, this would be the day na makakausap ko sya. Minsan kasi tinatry kong contact-in sya pero hindi ko makontak, tinry ko din pumunta sa kanila pero wala si Apolo dun. Kaya ito na lang ang way, alam kong pupunta sya dito. Dala dala ko si Dylan dito, sila Tita Claud ang kasama ko saka sila Tristan.

My Fake Dreamboy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon