Chapter 20 : Introducing Julz, the bad GUY

1.6K 18 3
                                    

Chapter 20

Apolo’s POV

Nagulat ako ng lumapit yung Julian ba yun kay Avril. Tapos parang may binulong sya. Kitang kita sa mukha ni Avril na parang natatakot sya na ewan. Magkakilala ba sila? O ano? Tapos nagsalita yung Julian.

“You’re still gorgeous, just the same when I first saw you” then he grin

So ibig sabihin magkakilala nga sila. Ano naman kaya pakay nitong lalaki na to kay Avril? Masama ang pakiramdam ko sa lalaking to, parang di gagawa ng maganda. Subukan nya lang talaga! Etong kamao ko ang kakainin nya.

“Hey. Do you remember the day we first met? Let me remind you---“

Hindi pa man nakakatapos yung lalaki ng sasabihin nya eh hinigit sya ni Avril palabas. Napatayo ako kasi nagulat ako. What’s happening? Wag nyang sabihin na yang Julian na yan ang ipapalit nya sakin? Psh!

“That girl! Ang landi talaga! Lahat gustong angkinin!” eto nanaman ang mga kaklase naming inggitera. Pasalamat sila mga babae sila kundi baka basag na mukha ng mga yan.

“Maybe she’s giving pleasures to boys. What a prostitute! Clinging with rich guys! So kadiri as in!”

Nag-init ang dugo ko sa narinig ko! Kung makahusga sila parang ang linis nila? Psh!

Lumapit ako sa mga babaeng nagchichismisan. Hinawakan ko yung kwelyo nung isa sa mga yun at itinaas. Nagdidilim ang paningin ko. Nagpipintig ang tenga ko sa mga narinig ko.

“Anong sinabi mo kay Avril!”

“W-wala. . .”

Iniamba ko ang braso ko para ihanda sa pagsuntok. One, two three. . .

Boooogggssshhh!!

Sinuntok ko yung glass window. Binitawan ko yung babae at nilapitan sya nung mga kaibigan nya. Napalupasay sa takot yung babae. Tumutulo ang dugo na nagmumula sa kamao ko na tumama sa glass window na nabasag.

“Apolo! Stop that!” sigaw sakin nila Mia, lalapit na sila pero tumakbo ako palabas. Hahanapin ko kung nasaan si Avril.

Nagtanong tanong ako at may nakapagsabi na nakita nya si Avril at Julian na papunta sa rooftop. Masama talaga ang kutob ko.

Binilisan ko pa ng lalo ang pagtakbo ko. May narinig akong nag-uusap sa taas. Binuksan ko ang pinto at nakitang magkalapit ang mukha nila. Nakapikit si Avril habang ilalapit ng gagong to ang labi nya sa labi ni Avril. Nagdilim nanaman ang paningin ko at nasapak ko sya.

BOOOOOGGGSSSSHHH!

Nanginginig parin ako sa galit. Napatulala si Avril sa nangyari.

At? Nakangiti pa tong mokong na to! Sarap sampilungin ng mukha! Aariba sakin to sa labas. Matitikman nya ang kamada ko. Carino Brutal ang aabutin neto sakin.

“What’s wrong with you?”

“Don’t go near my girl, or else, YOU’RE DEAD!”

Hinigit ko sya paalis dun sa lugar na yun. Nakakainis! Muntikan na syang mahalikan ng mokong na yun ah! Psh! Sarap pumatay sa mga ganitong pagkakataon. Huminto ako ng makita kong wala ng tao. Nandito kami sa Gym.

“My hand. . .”

Binitiwan ko yung kamay nya tapos tumalikod

Nahihiya kasi ako sa itsura ko, obvious na obvious na nagseselos ako

I can’t afford to lose another girl

“Sorry. . .”

“Haay. Wala ka na ba ibang alam na sabihin kundi puro sorry?”

My Fake Dreamboy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon